(Matalam, North Cotabato/ November 18, 2015)
---Patay ang isang lolo matapos masagasaan ng rumaragasang van sa kahabaan ng
Davao- Cotabato Highway partikular sa crossing Cosuseco sa harap ng sea oil
Gasoline station Matalam North Cotabato
kaninang alas 5:40 ng umaga.
Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Rubas
Leoncito, hepe ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Garcillano Dulay,
70-anyos, Residente ng Brgy. Poblacion
Matalam, North Coatabato.
Kinilala rin ang suspek na si Dexter Oyao
Nacilla 32 anyos, kasado, drayber ng nasabing van na may plakang MCW 624 at
residente ng Takepan Pikit North Cotabato.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng sugat
at matinding pasa ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Sumuko naman ang suspek, na ngayon ay nasa
kustodiya na Matalam PNP. Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento