Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamaskong Handog ni Gob Lala 2015 nagsimula na

AMAS, Kidapawan City (Nov 20, 2015) – Sa layuning mapasaya ang mga bata, lolo at lola ngayong kapaskuhan, maagang pamasko ang hatid ng Provincial Government of Cotabato sa 18 mga piling barangay  sa tatalong distrito ng lalawigan.

Ito ay sa pagsisimula ng “Pamaskong Handog ni Gob Lala 2015-Alay sa mga bata, lolo at lola” kung saan mismong si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang nagtutungo sa mga barangay kasama ang mga personnel ng iba’t-ibang departamento ng kapitolyo.

Unang tinungo ng gobernadora ang Barangay Nuangan, Kidapawan City noong Nov. 9; sumunod naman ang Barangay San Vicente, Makilala (Nov. 11); Barangay del Pilar, Magpet (Nov. 12); Barangay Datu Inda, Pres. Roxas; (Nov. 16); Barangay Liliongan, Carmen (Nov. 17); Barangay Katipunan, Arakan (Nov. 18) at Barangay Bagontapay, M’lang (Nov 19). .   
 
Nakatakda namang bisitahin ng gobernadora ang Barangay Daig, Tulunan (Nov. 21); Barangay Linao, Matalam (Nov 24); Barangay Tamped, Kabacan (Nov. 24); Barangay Ladtingan, Pikit (Nov 26); Barangay Pentil, Aleosan (Dec. 1); Barangay Villarica, Midsayap (Dec 2); Barangay Pinamulan, Banisilan (Dec 3); Barangay Pigkawaran, Alamada (Dec 9); Barangay Batiocan, Libungan (Dec. 10); Barangay Midpapan 2, Pigcawayan (Dec. 14) at Barangay Malangag, Antipas (Dec 15).

Mula 300-500 ang bilang ng mga bata at 200-300 senior citizens naman sa bawat barangay ang nabibigyan ng regalo at nakikisalamuha sa programang inihanda para sa kanila kabilang ang kantahan, sayawan, parlor games at gift-giving.

Kasama ni Gov Taliño-Mendoza sa pagtungo sa mga venue ng “Pamasko Handog”   ang iba pang provincial officials kabilang si Vice-Gov Greg “Dodong” Ipong, mga Board Members ng SP Cotabato, Municipal officials at mga barangay officials pati na mga guro at school heads.

Ito na ang ika-anim na taon ng “Pamaskong Handog ni Gob Lala” mula ng gawin ito noong 2010 na naglalayong pasayahin ang mga bata at matatanda sa Kapaskuhan at maramdaman nila ang pagmamahal at presensiya ng kanilang mga elected officials.  


Ayon sa gobernadora, ang mga regalo para sa mga bata at matatanda ay simbolo ng espiritu ng Kapaskuhan at sa ganitong paraan ay maramdaman ng bawat isa ang kahalagahan ng pagbibigayan, rekonsilasyon at maging ng pagpapatawad. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento