Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Magsasaka Napagkalooban ng Libreng Seedlings ng Kape mula sa OPA

(North Cotabato/ November 20, 2015) ---Abot sa 2,000 piraso na dekalidad na Robusta Coffee seedlings ang naipamahagi ng libre ng Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato Province sa apat na magsasaka mula sa Aleosan kamakailan (11/13/15).

Ang kabuuang halaga nito ay P40,000.00. Mula naman ito sa pondo ng na ipinagkaloob ng DA-RFO 12 ayon sa ulat na isinumite ng Provincial Coffee Coordinator ng lalawigan na si Romulo Pacres.

Bahagi ito ng High Value Crops Development Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan na naglalayong palawakin pa ang kasalukuyang area ng lupaing natamtamnan ng kape sa lalawigan dahil ang coffee beans ay may mataas na presyo sa merkado.

Layon din ng programa na makapamigay ng dekalidad na planting materials na may magandang katangian na saganang mag-produce ng coffee beans at matibay sa mga peste at sakit.

Ang Coffee Development Program ay bahagi ng Serbisyong Totoo Program ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na naglalayong makakatulong na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan at samantalahin ang mataas na presyo ng coffee beans sa kasalukuyan.

Written by: RUEL L. VILLANUEVA
                   Agricultural Technologist
                   OPA, Amas, Kidapawan City



0 comments:

Mag-post ng isang Komento