Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

‘Walang casualty sa panibagong panghahagis ng granada sa Kabacan' - PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2015) ---Muli na namang ginimbal ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan makaarang hagisan ng granada ang parking area ng Petron Gas Station na nasa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:00 ngayong gabi lamang.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP na nagsasagawa sila ng routinary patrol at check point sa mga pangunahing kalye ng Poblacion ng marinig ang malakas na pagsabog.

Agad na tinungo ang pinangyarihan ng pagsabog at kinordon ang area.

Wala namang may naiulat na nasugatan sa nasabing pagpapasabog.

Patuloy namang tinutugis ngayon ng mga otoridad ang mga responsable sa nasabing krimen.

Ito na ang pangatlong panghahagis ng granada ang una sa isang gasoline station din sa Kayaga at ang ikalawa ay kagabi sa Malvar St., at National Highway na ikinasugat ng lima katao. 


Agad namang kinondena ni Gov. Emmylou ‘Lala’ Taliño Mendoza ang nasabing insidente at inatasan ang mga kapulisan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Rhoderick Beñez, Zhaira Sinolinding at Chrispin Tuscano


0 comments:

Mag-post ng isang Komento