Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 2,000 mga pamilya apektado ngayon ng tubig baha sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Sumampa na ngayon sa mahigit sa dalawang libong mga pamilya ang naapektuhan ng pagragasa ng tubig baha sa ilang mga brgy sa bayan ng Kabacan.

Sinabi ni Municipal Social welfare and Development Officer Susan Macalipat na nadagdagan na ang apat na mga brgy kungsaan ang mga pamilyang ito ay nagsilikas na simula pa noong gabi ng Martes dahil sa unti-unting pagtaas ng lebel ng tubig.

Display ng mga handicraft na gawa ng mga Moro Women sa Kabacan; ibinida sa 34th CAS day


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Isinasagawa ngayon ang ika-34th College of Arts and Sciences day sa University of Southern Mindanao sa University gymnasium. 
                                                   
Pangungunahan ni CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan ang programa kungsaan magiging pangunahing tagapagsalita si Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan.   

Musang o Wildcat nahuli ng mga estudyante ng USM sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Pinagtatakhan ng ilang mga boarders ng Silungan Boarding House na nasa Plang Village 2 ang isang hayop na kanilang nakita na parang kasinlaki umano ng pusa na itsura aso.

Dahil sa sobrang takot ng isang ginang na nakilala lang sa pangalang Zeny ng makita ang pambihirang hayop, agad nitong tinawag ang mga kasama sa bahay at ipinahuli ito.

Liwanag sa Kabacan contest, sabay-sabay na sisindihan mamayang alas 6:00 ng gabi


(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Alas 6:00 mamayang gabi sabay-sabay na gagawin ang switch on ng mga Christmas lights bilang hudyat ng pagsisimula ng “Liwanag sa Kabacan Contest” matapos na naiurong ito ng ilang araw dahil sa mga di inaasahang pangyayari.
Sinabi sa DXVL Radyo ng bayan ni Kabacan Tourism designate officer Sarrah Jane Guerrero na nilahukan ng iba’t-ibang mga establisiemento ang nasabing paunang patimpalak ng LGU para gawing mas makulay ang kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.

Mahigit sa 1 libung mga pamilya, apektado ng mga pagbaha sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Abot sa 1,655 ang apektadong mga pamilya sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa 11 mga sitios buhat sa apat na mga brgy. sa bayan ng Kabacan, dahil sa paghampas ng bagyong Pablo sa kalupaan ng Mindanao nitong mga nakaraang araw.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News ngayong hapon kay Information Officer ng Kabacan Incident Command Structure Sarrah Jane Guerrero kabilang sa mga brgy na ito ang Kayaga, Magatos, Pedtad at Nangaan.    

USM nakakuha ng 18 gold medals sa katatapos na Mascuf


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Kampeon ang Volleyball Women, Softball Women at Taekwondo ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Mindanao Association of State Colleges and Universities Foundation o MASCUF na ginanap sa Central State University o CMU at Bukidnon State University sa lalawigan ng Bukidnon.  
                                                 
Ayon kay ISPEAR Director Prof. Flora Mae Garcia, nasa rank 2 ang USM sa Socio-Cultural habang nasa rank 5 naman sa Sports.  

Seguridad sa bayan ng Carmen, North Cotabato; tiniyak ng PNP sa nalalapit na kapaskuhan


(Carmen, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Nakahanda na ngayon ang Carmen PNP sa buong seguridad ng bayan ng Carmen sa nalalapit na kapaskuhan. 
                                                                            
Sinabi ni PCInsp. Jordine Maribojo na nagsasagawa na sila ngayon ng security and safety measures sa pagsisimula ng simbang gabi bukod pa sa pagtitiyak ng seguridad sa mga vital installations, business at mga commercial establishments ng bayan. 

Ilang mga residente sa Kabacan, nagsilikas na dahil sa mga pagbaha


(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Nagsilikas na ang ilang mga residente sa Sitio Lumayong at Malaabuaya lahat mula sa brgy Kayaga dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig baha bukod pa sa mga brgy ng Simone, Pedtad, Salapungan at Aringay, simula pa kagabi. 
                                   
Umaabot na rin sa beywang ang tubig baha sa ilang mga nabanggit na brgy.   Maging ang mga palay, mais at ilan pang mga pananim sa brgy Salapungan ay lubog na rin sa tubig baha.  

60 mga pamilya, pinalikas sa isang brgy sa kidapawan matapos ang namataang serya ng landslide sa lugar


Libu-libong residente ng Eastern Visayas at tatlo pang mga rehiyon sa Mindanao ang apektado na matapos humampas ang bagyong "Pablo" sa kalupaan ng Mindanao kaninang madaling araw.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 8,283 pamilya o 41,606 kato ang apektado sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga. 
Dito naman sa probinsiya ng North Cotabato ---Abot sa 60 mga pamilya ang pwersahang pinalikas matapos ang serya ng  mga landslides sa Barangay Balabag sa Kidapawan kaninang alas 12:30 ng tanghali.

Free Dental chek-up sa may mga kapansanan isasagawa kasabay ng International Day for PWD’s Celebration sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Isasagawa sa bayan ng Kabacan sa Disyembre a-11 taong kasalukuyan ang International Day for Person’s With Disability o PWD’s bilang pagpapahalaga sa karapatan ng mga ito, batay sa Republic Act 7277 (Magna Carta for Disabled Persons) at Batas Pambansa Blg. 344.

Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Roda Ann Laguardia may inihandang programa ang LGU Kabacan hinggil sa nasabing programa at isa na dito ang dental mission.

Field Day and Graduation ng mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School on Organic Vegetable; isasagawa ngayong araw


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Abot sa mahigit sa 30 na mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School on Organic Vegetables ang magtatapos ngayong araw na isasagawa sa Purok Tagumpay, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ngayong umaga.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan na pinamumunuan ni Municipal Agriculturist Sasong Pakkal kungsaan magiging panauhing pandangal sa nasabing pagtatapos si ATI XII Regional Director Abdul Daya-an.

Mas mahabang power interruption, nirereklamo na ng ilang mga residente sa Kabacan; mga negosyante umangal na rin; pagtaas sa bill sa kuryente, inalmahan


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Sa kabila ng mas mahabang power interruption na nararanasan ngayon hindi lamang sa bayan ng Kabacan kundi maging sa buong service erya na ng sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco, umaangal ngayon ang ilang mga konsumedures dahil sa imbes na bumaba ang bill sa kuryente mas tumaas pa ito.

Bukod dito, hindi rin umano nasusunod ang schedule ng load curtailment na ipinapatupad ng kooperatiba na siya namang inaangalan ng mga residente.

Ilang mga medical students ng USM; sumailalim sa symposium sa Population Health and Environment


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Isinagawa kahapon ng umaga sa College of Nursing ng University of Southern Mindanao ditto sa bayan ng Kabacan ang symposium hinggil sa Population Health and Environment sa mga mag-aaral ng USM partikular na sa mga Nursing students at sa mga widwifery.
                                                                  
Sinabi ni Cotabato Provincial Population focal Person Junmar Gonzales na ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng provincial government ng North Cotabato sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na naglalayong palawakin pa ang kaalaman ng mga estudyante sa nasabing usapin sa populasyon.

Cash for Work Program sa isang brgy sa Kabacan, nirereklamo!


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Nirereklamo ngayon ng isang brgy. kagawad ang diumano’y di tamang pagbibigay ng number of work at transaksiyon sa Cash for Work Program ng gobyerno sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development Office.

Ito ayon kay Brgy. Kayaga Kagawad Mustapha Landasan kungsaan dapat sana ay labin limang araw ang tatrabahuin ng mga beneficiaries sa Sitio Malabuaya, pero ang ilan sa kanila ay tig-dalawa o tatlong araw lamang ang ibinigay na trabaho ng MSWDO, na bagay namang di sinang-ayunan ng opisyal.

1 brgy sa bayan ng Pikit, niharass ng mga pinaniniwalaang MILF; 3 BPAT sugatan


(Pikit, North Cotabato/ December 3, 2012) ---Nagsilikas mula sa kanilang tinitirhan ang abot sa mahigit sa 100 mga residente ng Sitio Drier, Brgy Lingayen sa bayan ng Pikit, Cotabato matapos na pasukin ang kanilang lugar ng mga pinaniniwalaang grupo ng 105th base command ng MILF noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay PCInps. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP tinatayang 30 mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ni kumander Puyop ang sumalakay sa lugar na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong mga Barangay Peace Action Team.

Mga official ng pulisya sa probinsiya ng North Cotabato sisibakin sa pwesto kung di masosolusyunan ang laganap na nakawan ng motorsiklo sa lugar


(Amas, Kidapawan City/ December 3, 2012) ---Marami ang pabor at sumang-ayon sa panukalang sumailaim sa rotation ang mga Police Directors na mabibigong solusyunan ang mataas na insidente ng motorcycle theft sa kanilang area of responsibility.
          
Ito ayon kay Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Roque Alcantara na papalitan o ililipat ang mga hepe ng bawat istasyon ng pulisya sa Cotabato province na walang nagawa upang pigilan ang nakawan ng motorsiklo sa kanilang lugar.

Lolo kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2012) ---Kritikal ang isang 72-taong gulang na lolo makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 7:00 ng gabi noong Biyernes sa Purok Kweba, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Sabo Enok Y Tari, 75, may asawa, magsasakawa at residente ng nabanggit na lugar.