(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Isinagawa
kahapon ng umaga sa College of Nursing ng University of Southern Mindanao ditto
sa bayan ng Kabacan ang symposium hinggil sa Population Health and Environment
sa mga mag-aaral ng USM partikular na sa mga Nursing students at sa mga
widwifery.
Sinabi ni Cotabato Provincial Population focal Person Junmar
Gonzales na ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng provincial government ng
North Cotabato sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na
naglalayong palawakin pa ang kaalaman ng mga estudyante sa nasabing usapin sa
populasyon.
Dinaluhan din ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije ang nasabing
aktibidad at ni USM College Nursing Dean Emmalyn Mamaluba.
Nakatuon ang program sa temang “Population, Health Environment and
Local Governance.
(Rhoderick Beñez)
nursing and midwifery students, not medical:-)
TumugonBurahin