(Pikit, North Cotabato/ December 3, 2012)
---Nagsilikas mula sa kanilang tinitirhan ang abot sa mahigit sa 100 mga
residente ng Sitio Drier, Brgy Lingayen sa bayan ng Pikit, Cotabato matapos na
pasukin ang kanilang lugar ng mga pinaniniwalaang grupo ng 105th
base command ng MILF noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay PCInps. Elias Dandan, hepe ng Pikit
PNP tinatayang 30 mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ni kumander Puyop
ang sumalakay sa lugar na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong mga Barangay
Peace Action Team.
Kinilala ang mga BPAT na sugatan na sina
kanapia Busa, Eric Bugua at Khamir Pasadalan na naka destino sa Sitio Drier
Outpost.
Ayon sa report ang tatlong mga sugatan ay
mabilis na isinigod sa Cruzado Medical Hiospital para agad na mabigyan ng
karampatang lunas.
Batay sa report may dalawang mga alagang
hayop nab aka ang sugatan mataapos na matamaan ng mga high powered fire arms.
Ayon kay Dandan, posibleng rido ang isa sa
mga anggulong tinitingnang motibo dahilan kung bakit naganap ang nasabing
insedente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento