Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Free Dental chek-up sa may mga kapansanan isasagawa kasabay ng International Day for PWD’s Celebration sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Isasagawa sa bayan ng Kabacan sa Disyembre a-11 taong kasalukuyan ang International Day for Person’s With Disability o PWD’s bilang pagpapahalaga sa karapatan ng mga ito, batay sa Republic Act 7277 (Magna Carta for Disabled Persons) at Batas Pambansa Blg. 344.

Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Roda Ann Laguardia may inihandang programa ang LGU Kabacan hinggil sa nasabing programa at isa na dito ang dental mission.

Kaugnay nito, hinikaya’t ngayon ng pamunuan ng MSWD sa pamumuno ni MSWD Susan Macalipat ang mga may kapansanan sa bayan na mag parehistro sa opisina ng MSWD simula ngayong araw hanggang sa Disyembre a-kwatro, taong kasalukuyan.

Bukas ang tanggapan ng MSWDO Kabacan mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon Lunes hanggang Biyernes at hanapin lamang si Ma’am Roda Ann Laguardia.

Ang Free Dental check up ng mga PWD’s ay isasagawa sa Disyembre a-11 alas 8:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento