Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Musang o Wildcat nahuli ng mga estudyante ng USM sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Pinagtatakhan ng ilang mga boarders ng Silungan Boarding House na nasa Plang Village 2 ang isang hayop na kanilang nakita na parang kasinlaki umano ng pusa na itsura aso.

Dahil sa sobrang takot ng isang ginang na nakilala lang sa pangalang Zeny ng makita ang pambihirang hayop, agad nitong tinawag ang mga kasama sa bahay at ipinahuli ito.

Hinuli ang nasabing hayop alas 3:00 ng hapon ng mga boarders at isinilid sa isang sako.

Ayon kay Darwin Rey Morante sa panayam ng DXVL News, kulay itim umano ang nasabing hayop.

Nang puntahan ng ilang mga taga College of Veterinary Medicine, doon nabatid na ang nasabing hayop ay isang Wild cat o mas kilala sa tawag na “Musang”.

Ang musang ayon sa report ay kumakain umano ng kape at ang ang dumi nitongbuto ng kape ay masarap inumin matapos maidaan sa isang proseso.

Karamihan sa mga musang ay makikita sa bayan ng Makilala at mahal ang benta ng nasabing kape. (Rhoderick Beñez)


1 komento: