Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

60 mga pamilya, pinalikas sa isang brgy sa kidapawan matapos ang namataang serya ng landslide sa lugar


Libu-libong residente ng Eastern Visayas at tatlo pang mga rehiyon sa Mindanao ang apektado na matapos humampas ang bagyong "Pablo" sa kalupaan ng Mindanao kaninang madaling araw.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 8,283 pamilya o 41,606 kato ang apektado sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga. 
Dito naman sa probinsiya ng North Cotabato ---Abot sa 60 mga pamilya ang pwersahang pinalikas matapos ang serya ng  mga landslides sa Barangay Balabag sa Kidapawan kaninang alas 12:30 ng tanghali.

Ayon kay Brgy. Balabag Kapitan Ephraim Umpan na ilan sa mga gamit ng mga nabanggit na bilang ng pamilya ay inilagay na sa barangay hall.
         
Nabatid na anim na mga landslides ang namataan sa Sitio Mawig ng Barangay Balabag, isa ito sa mga rutang dinadaanan papuntang mt. apo, ang tinaguriang pinakamataas na bundok sa bansa.

 Maswerte namang walang may nasaktan sa nasabing landslide dala ng malakas na buhos ng ulan dahil sa pagtama ng bagyong Pablo sa kalupaan ng Mindanao.

Batay sa report, nagsimula ang malakas na buhos ng ulan kaninang 4:25 ng medaling araw.

Samantala dito naman sa bayan ng Kabacan, sinabi sa DXVL Radyo ng bayan ngayong hapon ni MSWDO Officer susan Macalipat na nagsimula ng tumaas ng lebel ng tubig sa pulangi river, ayon sa mga opisyal ng brgy na nakatutok ngayon sa erya. Tumaas na rin ang tubig sa Kabacan river na siya ring binabantayan ng Kabacan Quick Response team. Mahigpit namang binabalaan ngayon ni Municipal Disaster risk Reduction Council Officer Cedric Mantawil ang mga nasa riverside partikular na sa, pulangi, Kabacan river at liguasan na maging alerto sa pagragasa ng tubig baha.
Inalerto naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente sa gilid ng mga ilog dahil sa posibleng pagragasa ng pagbaha at landslide sa mga gilid ng bundok.
Kaugnay nito sa pinakahuling report ng MDRRMC, dalawa na ang patay at dalawa ang sugatan sa hagupit ng Bagyong Pablo sa Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, nasawi ang isang Erlinda Bolante, 60-anyos matapos mabagsakan ng puno sa Manay, Davao Oriental. Inaalam pa anya kung kabilang si Bolante sa dalawang unang naiulat na nabagsakan ng puno sa parehong bayan.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA bandang 10:00 ng umaga ay tinatawid na ng bagyo ang probinsya ng Bukidnon. Nananatiling malakas ang bagyo na may hanging 160 kilometro kada oras at pagbugsong 195 kilometro kada oras.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento