Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 1 libung mga pamilya, apektado ng mga pagbaha sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Abot sa 1,655 ang apektadong mga pamilya sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa 11 mga sitios buhat sa apat na mga brgy. sa bayan ng Kabacan, dahil sa paghampas ng bagyong Pablo sa kalupaan ng Mindanao nitong mga nakaraang araw.


Ito ang napag-alaman ng DXVL News ngayong hapon kay Information Officer ng Kabacan Incident Command Structure Sarrah Jane Guerrero kabilang sa mga brgy na ito ang Kayaga, Magatos, Pedtad at Nangaan.    
Sa ngayon nasa evacuation center na ang nasabing bilang ng pamilya habang ang iba naman ay nasa mataas na erya lamang at naghihintay na mag subside ang tubig baha.
                                                                                                                         Patuloy naman ang pamimigay ng MSWDO ng mga family packs sa mga apektadong pamilya sa Kabacan.                                                                                              

Inatasan na rin ni Kabacan Mayor George Tan si MSWDO Officer Susan Macalipat na siguraduhing mabigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya, nanguna sa pagbibigay ng tulong si Incident Command Structure Officer Honey Joy Cabellon at ng LGU Kabacan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento