Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Liwanag sa Kabacan contest, sabay-sabay na sisindihan mamayang alas 6:00 ng gabi


(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Alas 6:00 mamayang gabi sabay-sabay na gagawin ang switch on ng mga Christmas lights bilang hudyat ng pagsisimula ng “Liwanag sa Kabacan Contest” matapos na naiurong ito ng ilang araw dahil sa mga di inaasahang pangyayari.
Sinabi sa DXVL Radyo ng bayan ni Kabacan Tourism designate officer Sarrah Jane Guerrero na nilahukan ng iba’t-ibang mga establisiemento ang nasabing paunang patimpalak ng LGU para gawing mas makulay ang kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.

Sinabi naman ni Public Information Officer Ragilda “Dadang” Martin na bahagi ito ng pagpapalago ng turismo ng bayan at maipromote ang Kabacan na isa sa mga tourist destination sa probinsiya ng North Cotabato.
Gagawin ang countdown ng lighting ng mga Christmas lights, Christmas tree, Lanterns, designed lights making sa DXVL radyo ng bayan 94.9FM kasabay na rin ng pagiikot ng mga hurado para sa nasabing contest.
Kaugnay nito, hinikaya’t ngayon ng LGU Kabacan ang publiko na saksihan ang nasabing event ngayong gabi sa Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato.
Itatanghal ang mananalo sa iba’t-ibang kategorya sa December 21 kasabay ng gagawing Christmas Party ng LGU Kabacan.
May mga inihandang papremyo ang pamahalaang lokal ng Kabacan sa kauna-unahang liwanag sa Kabacan contest. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento