(Amas, Kidapawan City/ December 3, 2012) ---Marami ang pabor at
sumang-ayon sa panukalang sumailaim sa rotation ang mga Police Directors na
mabibigong solusyunan ang mataas na insidente ng motorcycle theft sa kanilang
area of responsibility.
Ito ayon kay Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Roque
Alcantara na papalitan o ililipat ang mga hepe ng bawat istasyon ng pulisya sa
Cotabato province na walang nagawa upang pigilan ang nakawan ng motorsiklo sa
kanilang lugar.
Sa naturang pagkakataon, sinabi ni Alcantara na kapag nakapagtala ng 3
sunud-sunod na nakawan ng motorsiklo ang isang bayan ay agad na ire-relieve sa
puwesto ang COP nito.
Ito
ang sinasang-ayunan ng publiko bilang bahagi ng standard operating procedure ng
PNP.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento