Midsayap 4H’ers, handa na para sa gaganaping Provincial 4H Achievement Day
Sa isinagawang Municipal Achievement Day ng 4H Club Federation of Midsayap kahapon, handa na ang mga miyembro ng natukoy na organisasyon para sa gaganaping provincial 4H achievement day sa darating na April 7 ng taong kasalukuyan sa bayan ng Carmen, Cotabato.
Ayon kay Midsayap 4H Coordinator Jocelyn Raboy- Falloran, sinikap ng organisasyon na mapili ang pinakamagagaling na 4H members na nagtagisan ng galing sa ibat’ ibang project contests.
Walong barangay 4H Clubs ang nagpagalingan sa larangan ng Organic Fertilizer Preparation for High Value Crops Development, Rice Based Handicraft, Corn Kakanin Cooking, quiz bee, poster making, extemporaneous speaking, singing idol at Mister and Miss 4H Midsayap 2011.
Masaya naman ang pamunuan ni Midsayap Acting Municipal Agriculturist Cesario Carcosia sa partisipasyon ng mga 4H Clubs na nagmula sa mga barangay ng Bagumba, Patindegeun, Poblacion Dos , Poblacion Kwatro, San Isidro, Lagumbingan, Bual Norte at Southern Christian College.
Humanga naman si 4H Advisory Council President Eusebio Casipe sa mga 4H members na nakisali at nakiisa sa isinagawang 4H achievement day.
Opisyal na ring nanumpa kahapon ang bagong set of officers ng 4H Club Federation of Midsayap na pinangunahan ni Sangguniang Bayan Chairman of the Committee on Agriculture Councilor Jesus Acosta. (with report from Balong Bautista, PPALMA Stringer)