Ilang mga barangay ng Kabacan, makakatanggap ng livelihood assistance mula sa Mindanao Rural Development Program o MRDP Community fund for Agricultural Development
Ipinahayag ngayon ni MRDP-Community Fund for Agricultural Development o CFAD Focal Person Janice Flor Baay-Dimasingkil na makakatanggap ng livelihood assistance ang ilang mga piling barangay sa bayan ng Kabacan mula sa Mindanao Rural Development Program o MRDP.
Ang MRPD ay proyektong pinonduhan ng World Bank at ng National government at sa pakikipagtulungan na rin ng pamahalaang lokal.
Dagdag pa ni Dimasingkil na ang bayan ng Kabacan ay naka-avail ng dalawang components mula sa programang ito, ito ay ang: Rural Infrastructure at ang Community Fund for Agricultural Development.
Abot sa kabuuang P335,000 ang inilaang pondo para dito.
Kabilang sa mabibigyan ng nasabing programa ay ang brgy. Buluan ng goat dispersal, cattle breeding Projects sa Brgy. Simone, Solar Drier with Ware house sa Brgy. Simbuhay, Agri-Machineries sa Brgy. Pedtad at Solar Drier sa Brgy. Tamped.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento