Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BS Pharmacy at BS Criminology bagong kurso na i-ooffer ng USM sa darating na pasukan

Ipinahayag ni USM Pres. Jesus Antonio Derije na may bagong kursong bubuksan ang University of southern Mindanao sa darating na pasukan ng buwan ng Hunyo.

Ayon sa pangulo ito ay ang BS Pharmacy at BS Criminology na i-ooffer ng USM Main Campus-Kabacan habang may bago ring kurso ngayon ang College of Industry and Trade sa USM-Kidapawan City Campus ang Bachelor of Science in Electrical Engineering.

Una rito, sinabi rin ng Pangulo na muli nitong pina-abrubahan sa BOR ang kursong Bachelor of Science in Industrial Education dahil kinakailangan na ito ngayon sa Department of Education o DepEd.

Isa lamang ito sa napakaraming top Priority Targets ng Pangulo ng USM para sa taong 2011.

Sinabi pa ni Dr. Derije na target ng kanyang pamunuan na mas madagdagan pa ang enrollment ng USM at damihan pa ang scholarship at financial incentives para sa mga mag-aaral.

Nais din nito na baguhin at mas ayusin ang enrollment process sa pamantasan na isa sa mga pinoproblema ng mga estudyante ng USM tuwing enrollment.

Dagdag pa nito na ngayong 2011 target nito na matapos ang ICTC building, Women’s Dorm, OSA Building na ngayon ay nasa dating post Office at ang Café Martina na dating USM Cafeteria.

Marami ring binalangkas at inilatag na programa ang pamunuan ng USM Hindi lamang sa Instruction kundi maging sa Research, Extension, Production o Income Generating Project.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento