Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga bagong halal na opisyal sa Midsayap, North Cotabato manunumpa ngayong Hulyo 1

(Midsayap, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Gaganapin ngayong unang araw ng Hulyo ng taong kasalukuyan ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Isasagawa ang aktibidad sa Midsayap Municipal Rooftop, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

2 kampo ng militar, hinarass

(Midsayap, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Tensyunado ngayon ang dalawang brgy sa Midsayap, North cotabato matapos na magkasagupa ang pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement o BIFM at grupo ng sundalo.

Ito makaraang inatake ng pinaniniwalaang mga miembro BIFM ang dalawang military detachment sa nabanggit na bayan.

National Year of Rice Launching, isasagawa bukas sa Kidapawan City

(Amas, Kidapawan City/ June 26, 2013) ---Gaganapin bukas ang Provincial Launching ng National Year of Rice dito sa lalawigan ng Cotabato.

Isasagawa ang nasabing aktibidad sa Pavilion, Amas, Kidapawan City.

Biktima sa panibagong pagsabog sa Kabacan, binawian na ng buhay

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Hindi na nakaligtas sa karit ni kamatayan ang biktima ng panibagong pagsabog ng Improvise Explosive Device o IED noong Sabado ng gabi.

Sa report ng Kabacan PNP binawian na ng buhay ang biktimang kinilalang si Ali Manisi, nasa tamang edad, residente ng Patadon, Kidapawan City.

BF, inireklamo ng kasintahan matapos manampal

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Mangiyak-ngiyak na dumulog sa Kabacan PNP ang isang 19-anyos na BSHRM student ng USM makaraang sinampal ng kanyang nobyo sa mismong boarding House sa Matalam St., Poblacion, Kabacan ala 1:00 kahapon.

Sa report na nakuha ng DXVL News sa Women’s Children and Protection Desk o WCPD sa Kabacan PNP, maliban sa sinampal ang dalaga ay sinira at kinuha pa ng kanyang boyfriend ang Samsung cellphone nito.

Sari-sari store ni-ransacked, pera at ilan pang mga assorted goods natangay

(Kabacan, North Cotabato/ June 25, 2013) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga salarin ang isang sari-sari store na nasa Matalam St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP ang nasabing tindahan ay pag-mamay-ari ni Zaynab Ampatuan, NGO Worker at residente ng nabanggit na lugar.

Mga residenteng apektado ng girian sa Tulunan, North Cotabato; pinapabalik na

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2013) ---Aminado ngayon si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na maibabalik na sa normal na sitwasyon ang kalagayan ng mga residente sa Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato matapos ang deployment ng Task Force Barko-barko kahapon.

Pinangunahan ng opisyal ang Send Off Ceremony kasama ang Regional Joint Peace and Security Coordinating Committee XII, GPH-CCCH, sundalo, pulisya at ilang mga pulitiko.

Updating ng Handog Pangkalusugan beneficiaries, isasagawa sa PPALMA

(Midsayap, North cotabato/ June 24, 2013) ---Pangungunahan ng First Congressional District Office ang pagsasagawa ng updating sa mga benepisyaryo ng PhilHealth sa ilalim ng Handog Pangkalusugan Program sa unang distrito ng North Cotabato.

Ayon sa sulat na ipinadala ng PhilHealth Regional Office 12 sa opisina ni Rep. Jesus Sacdalan, kailangang kumpletuhin ng mga miyembro ang hinihinging impormasyon at isulat ito sa PhilHealth Membership Registration Form o PMFRs.

Budol-budol gang na nambiktima sa ilang mga residente sa Kabaca, nahuli na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Natiklo ng mga pulisya sa Malaybalay, Bukidnon ang tinaguriang budol-budol gang na may operasyon sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa panayam kay Purok Pres Jun Magallon, residente ng Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, ipinarating sa kanya ng Malaybalay Bukidnon Provincial Jail na nahuli ang apat sa pitong mga budol-budol gang kungsaan tatlo sa mga ito ang nakatakas.

“Miracle baby” pumanaw na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng tinaguriang “Miracle baby” na unang ideneklarang namatay pagkaluwal pero nabuhay.

Ayon sa report anim na araw matapos na inilagay sa Neo-natal Intensive Care Unit ng Cotabato Provincial Hospital ang sanggol ng binawian na rin ito ng buhay alas 2:00 ng madaling araw kamakalawa.

Kaso ng nakawan sa Libungan, North Cotabato, iniimbestigahan

(Libungan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Libungan PNP hinggil sa  posibleng malaking grupong kinaaaniban ng mga magnanakaw na natiklo ng mga pulisya sa isang highway check.

Ayon kay PCInsp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP nasabat ng mga elemento ng Libungan PNP ang isang trisikad lulan ang pinaniniwalaang nakaw na mga ten wheelers rim alas 3:35 ng madaling araw kamakalawa.

Mga otoridad wala pang lead sa panibagong pagsabog ng IED sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Binulabog ng malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED ang bayan ng Kabacan alas 7:35 nitong gabi ng Sabado.

Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na isang 81mm ang sumabog malapit sa Laira Marketing na nasa National Highway, Poblacion ng bayang ito.