Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga residenteng apektado ng girian sa Tulunan, North Cotabato; pinapabalik na

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2013) ---Aminado ngayon si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na maibabalik na sa normal na sitwasyon ang kalagayan ng mga residente sa Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato matapos ang deployment ng Task Force Barko-barko kahapon.

Pinangunahan ng opisyal ang Send Off Ceremony kasama ang Regional Joint Peace and Security Coordinating Committee XII, GPH-CCCH, sundalo, pulisya at ilang mga pulitiko.

Nabatid na halos isang buwan din umanong nagsilikas ang daan-daang mga sibilyan mula sa sitio Barko-barko na sakop ng brgy. Maybula matapos na muling sumiklab ang sagupaan ng grupo ng MILF at pangkat ng mga magsasakang armado na layon lamang ay protektahan ang kanilang mga pananim at alagang hayop sa lugar.

Ang pinag-ugatan ng girian ay isinisi kasi ng gobernadora sa ilang ahensiya ng gobyerno, ito makaraang mag-isyu ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) ang Department of Agrarian Reform o DAR sa tatlong lalawigan na umaangkin sa nasabing lugar.

Ito ang tri-boundaries ng Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat. 

Umaasa naman ang mga mamamayan sa lugar na sa pamamagitan ng JTF Barko-barko ay kung di man tuluyang matuldukan ay maibsan ang tensiyon habang inilalatag ang pangmatagalang solusyon sa nasabing problema.

Kaugnay nito, sa kanyang mensahe, sinabi ni B/Gen Cesar Sedillo na ipinauubuya na ngayon ng pamahalaan sa DOJ ang nasabing problema.

Tinukoy pa nito na ang land conflict ay seryosong usapin na dapat ay idsaan sa proseso.


Bilang chairman ng CCCH, sinabi nitong ang pagpasok ng militar sa inaangking teritoryo ng MILF ay di dapat bigyan ng malisya, ito dahil ang JTF ay magbabantay lamang sa lugar at walang kinakampihan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento