Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng nakawan sa Libungan, North Cotabato, iniimbestigahan

(Libungan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Libungan PNP hinggil sa  posibleng malaking grupong kinaaaniban ng mga magnanakaw na natiklo ng mga pulisya sa isang highway check.

Ayon kay PCInsp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP nasabat ng mga elemento ng Libungan PNP ang isang trisikad lulan ang pinaniniwalaang nakaw na mga ten wheelers rim alas 3:35 ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ng opisyal ang mga suspek na sina Jason Loyd Marie Podencio, 21, driver ng nasabing sasakyan at ang kasama nitong si Crisanto Ventura, 33 kapwa residente ng bayan ng Pigcawayan.

Nang hanapan ng mga kaukulang dokumento ang mga suspek, bigong makapag-prisenta ng mga ito, kaya duda ng pulisya na posibleng nakaw ang kargang mga rim ng ten wheelers.

Itinanggi naman ng mga suspek na nakaw ang kanilang karga sa halip ito ay pagmamay-ari ng kanilang amo na nakilala lang sa Pangalang Balong ng bayan ng Pigcawayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Libungan PNP ang mga nahili at inaalam pa ng pulisya kung ang nasabing mga suspek ay kasama sa mga malalaking grupo ng mga magnanakaw na nag-ooperate sa nasabing lugar. (Rhoderick Beñez with reports from Benny Queman)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento