(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Napaaga ang
salubong kay kamatayan ng tinaguriang “Miracle baby” na unang ideneklarang
namatay pagkaluwal pero nabuhay.
Ayon sa report anim na araw matapos na inilagay sa
Neo-natal Intensive Care Unit ng Cotabato Provincial Hospital ang sanggol ng
binawian na rin ito ng buhay alas 2:00 ng madaling araw kamakalawa.
Ayon sa kamag-anak na si Florencia Reyes unti-unti
umanong humina ang heartbeat ng nasabing sanggol hanggang sa nawalan na ng
malay tao matapos ang ilang sandali.
Lumala pa umano ang kalagayan ng nasabing sanggol noon
pang Miyerkules, tatlong araw matapos na inilagay sa incubation room ang baby.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Genelyn Rosales,
sinabihan sila na may infection na nabubuo sa sanggol, pero kung bakit di
ipinaliwang sa kanila ng mga staff ng Cotabato Provincial Hospital.
Wala rin umano sa mga doctor ng nasabing ospital ang
nag-check sa kalagayan ng sanggol simula pa noong linggo ng nakaraan.
Inireklamo pa nila ang diumano’y di maayos na pagtrato
sa pasiyente sa tinaguriang pag-aari ng gobyerno na bahay pagamutan.
Sa ngayon, nalagay na sa kontrobersiya ang Cotabato
Provincial Hospital, pero tumangging magbigay ng pahayag ang assistant Chief ng
Hospital na si Dr. Eva Rabaya.
Sa isang text na kanyang ipinaabot hinihintay pa niya
ang paliwanag ngayon na gagawin ni Dr. Estrella Clerigo na siyang duty noong
panahon na iniluwal ni Desiree Masiganday, 22 ang kanyang sanggol. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento