(Midsayap, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Tensyunado ngayon ang dalawang brgy sa Midsayap, North cotabato matapos na magkasagupa ang pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement o BIFM at grupo ng sundalo.
Ito makaraang inatake ng pinaniniwalaang mga miembro BIFM ang dalawang military detachment sa nabanggit na bayan.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman Colonel Dickson Hermoso, unang hinarass ng mga armado ang detachment ng 40th IB sa Sitio Tampad, Barangay Ulandang.
Aniya, tumagal ng halos isa at kalahating oras ang palitan ng putok.
Makalipas lamang ang ilang minuto, inatake din ng mga armado ang army detachment sa Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato.
Sugatan sa engkwentro ang isang sibilyan na si Allan Dimatingkal at ngayon ay nagpapagamot na sa ospital.
Pinaniniwalaang ang naturang grupo ay pinamumunuan ng isang kumander D.M. ng BIFM.
Narekober ng mga pulis at sundalo sa inatakeng army detachment ang isang Improvised Explosive Device at isang bala ng RPG.
Patuloy pang iniimbestigahan ngayon ng militar at pulisya ang magkakasunod na panghaharass. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
2 kampo ng militar, hinarass
Martes, Hunyo 25, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento