(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Hindi
na nakaligtas sa karit ni kamatayan ang biktima ng panibagong pagsabog ng
Improvise Explosive Device o IED noong Sabado ng gabi.
Sa report ng Kabacan PNP binawian na ng
buhay ang biktimang kinilalang si Ali Manisi, nasa tamang edad, residente ng
Patadon, Kidapawan City.
Dinala umano si Manisi ng isang tricycle
driver na kinilalang si Abdulbayan Usop Guiama ng Sitio Liton, Brgy, Kayaga ng
bayang ito sa USM hospital matapos na masabugan ang biktima.
Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima kaya
agad na inilipat sa Regional Hospital sa Cotabato City.
Pero matapos makipaglaban kay kamatayan ay
binawian na rin ito ng buhay.
Wala pang na-establish na motibo ang mga
pulisya sa panibagong pagsabog ng 81mm sa harap ng Laira Marketing na nasa
National Highway, Poblacion kungsaan itinanim ang IED sa drainage na papunta ng
Sinamar 2.
Sa ngayon, naka-impound sa Kabacan PNP ang
tricycle na Yamaha STX na may license plate 1649 QM na ginamit sa pagdala sa
ospital sa biktima.
Inaalamam pa ng pulisya kung ang biktima ay
may kinalaman sa nasabing insedente ng pagsabog habang nagpapatuloy ang
imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento