(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2013) ---Natiklo ng
mga pulisya sa Malaybalay, Bukidnon ang tinaguriang budol-budol gang na may
operasyon sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sa panayam kay Purok Pres Jun Magallon, residente ng
Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, ipinarating sa kanya ng Malaybalay Bukidnon
Provincial Jail na nahuli ang apat sa pitong mga budol-budol gang kungsaan
tatlo sa mga ito ang nakatakas.
Sinabi ni Magallon, na biktima kasi ng mga di pa
nakilalang mga kasapi ng budol-budol gang ang nanay nitong si Lourdes nasa
higit walumpu na ang edad noong Huwebes kungsaan nakuha mula sa matanda ang
abot sa P170,000 cash.
Nag-withdraw umano ang biktima sa Land Bank, Kabacan at
pagdating sa kanilang bahay di pa nabilang ang nasabing halaga ng pera ay
nakulimbat umano ng mag budol-budol gang.
Ang pagpasok ng mga budol-budol gang ay nakita sa CCCTV,
dahil ang Magallon residence ay may nakakabit na CCTV, ayon sa report.
Bukod sa nabanggit, biktima din maging ang Guimayen’s
Boarding House, Villoria residence, Bisares residence at marami pang iba sa
bahagi ng Sinamar 2.
Nabatid sa report na naka-van at naka-kotse ang nasabing
grupo kungsaan nag-ooperate ang mga ito sa Gensan, Koronadal, Sultan Kudarat,
North Cotabato at ilang bahagi ng Central at Northern Mindanao.
Isang araw matapos na mahuli angnasabing grupo sumabog
ang IED na itinanim sa drainage papuntang Sinamar 2, inaalam pa ngayon kung may
kaugnayan ang nasabing insedente sa mga sunod-sunod na nakawan ngmga
budol-budol gang sa Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento