Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangsamoro Framework Agreement ipinaliwanag sa mga Pigcawayanon



(Midsayap, North Cotabato/ November 14, 2012) ---Pinangunahan ni House Special Committee on Peace Reconciliation and Unity Chairperson Cong. Jesus Sacdalan ang pagpapaliwanag ng Framework Agreement on the Bangsamoro sa mga Pigcawayanon noong November 9- 10 ng nakalipas na linggo.

Inilunsad ang unang community information drive tungkol sa framework agreement sa  Barangay Libungan- Torreta kung saan aktibong lumahok ang mga residente sa lugar, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Bangkay ng nalunod na kasapi ng third sex, nakita na!



(Makilala, North Cotabato/ November 14, 2012) ---Nakita na ang bangkay ng flashflood victim na si Arjie Javier, 17 at residente ng New Corilla, Makilala, North Cotabato dakong alas 2:35 kahapon ng hapon partikular sa Brgy. Palma Perez, Mlang, North Cotabato.

Kung matatandaan, si Javier ay nalunod ng malakas na agos ng tubig matapos lumukso ito sa Malasila river noong linggo ng hapon.

Ayon sa report, papauwi na ang kanilang grupo matapos mag-inuman sa isang tindahan pero bigla lamang umanong lumukso ang biktima sa gitna ng rumaragsang tubig ng ilog.

56th founding Anniversary ng Carmen, North Cotabato; matagumpay na ipinagdiwang kahapon


(Kabacan, North Cotabato/November 16, 2012) ---Dinagsa ng maraming tao ang 56th foundation anniversary ng bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sinabi ni PC/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP na nagging maayos at matiwasay naman sa kabuuan ang culmination program ng bayan matapos na inilagay sa alerto ng pulisya at militar bayan para tiyakin ang seguridad sa bayan.

Mga Bigtime na Extortionist sa Central Mindanao; Tiklo ng mga otoridad sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/November 16, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng limang mga pinaniniwalaang sindikatong nangingikil ng milyun-milyong halaga ng salapi sa National Power Corporation makaraang mahuli at umamin ang isa sa mga ito sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad alas 10:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuling suspek na si Omar Lantong Abdullah, 33, may asawa at residente ng bayan ng Carmen.

Turismo sa North Cotabato, palalakasin

(Kidapawan City/ November 16, 2012)Linahukan ng mga tourism officers mula sa iba’t- ibang bayan ng North Cotabato ang isinagawang Provincial Tourism Strategic Planning Workshop na ginanap sa AJ Hi- Time Hotel nitong November 15 to 16 ng taong kasalukuyan.

Layunin ng nasabing pagsasanay na makagawa ng komprehinsibong action plan para sa ikauunlad ng turismo sa North Cotabato.

2 mga estudyante ng USM, biktima ng swindlers; USM Security services pina-iingat ang mga mag-aaral kontra sa mga mapagsamantala at mga manloloko


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012) ---Pinaalalahanan ngayon ng mga otoridad ang mga estudyanteng nag-papa enroll na wag basta-basta ipagkatiwala ang perang pambayad sa tuition fee sa mga taong hindi kilala.

Ito ayon kay University of Southern Mindanao Security Services Management Prof. Orlando “Totong” Forro matapos na mabiktima ang dalawang mga estudyante ng USM ng isang manloloko.

Kabacan PNP, umapela ng suporta sa LGU na paigtingin ang enforcement sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012) ---Inilatag sa isinagawang Municipal Peace and Order council meeting kahapon ang ilang mga problemang kinakaharap ng mga alagad ng batas sa pagpapatupad ng batas sa bayan.

Isa na dito, ang diumano’y kakulangan ng suporta ng LGU sa Kabacan Municipal Police Station na agad namang tinugunan ito ng council sa nasabing pagpupulong ng MPOC.

Isang residential house sa Kabacan, nasunog!


(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012) ---Agad na naapula ng mga kagawad ng pamatay apoy ang nangyaring sunog sa isang residential house na nasa Matalam St., na nasa likurang bahagi ng Pilot Central Elementary School sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Anton Guiang.

Magsasaka patay, matapos masabugan ng granada sa lalawigan ng Sultan Kudarat


(Columbio, Sultan Kudarat/November 14, 2012) ---Patay on the spot ang isang magsasaka makaraang masabugan ng Granada sa loob ng kanyang bahay sa isang brgy sa Columbio, Sultan Kudarat noong Lunes.
Kinilala ang biktima kay Tuansi Payot Dilangalen, 60-anyos, isang magsasaka at residente ng naturang lugar makaraangsumabog ang granada na hinagis sa nakabukas na bintana ng kanilang bahay.
Samantala, kinilala naman ang suspek kay Kumis Bantilan ng nasabi ring lugar.

Ninakaw na motorsiklo, narekober sa isang brgy sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/November 14, 2012) ---Agad na narekober ng mga pulisya kahapon ng madaling araw ang ninakaw na motorsiklo sa Kabacan.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, tinangay ng di pa nakilalang suspek ang kulay pula na single Honda XRM 125 at may plate number 5217 QO bandang alas 3:00 ng madaling araw kahapon.

Isang bagong Munisipyo, nais itatag sa North Cotabato



(Pigcawayan, North Cotabato/ November 14, 2012) ---Tatawaging Municipality of Pahamudin ang bagong bayang nais itatag ng mga Muslim leaders sa Pigcawayan, North Cotabato.

Lumabas ang nasabing suhestiyon sa ginawang konsultasyon kaugnay ng Bangsamoro Framework Peace Agreement nitong Biyernes, November 9, sa Barangay Libungan- Torreta ng nabanggit na bayan.

Mga programa ng Pamantasan palalakasin sa pamamagitan ng Radyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Lalo ngayong pinalakas ng University of Southern Mindanao ang kanyang himpilang DXVL Radyo ng Bayan 94.9 na nasa Frequency Modulation o FM band sa mga pihitan ng inyung mga radyo matapos ang ginawang system overhaul nito bilang bahagi ng level-up commitment ng istasyon.


Ito ayon kay DXVL – Radyo ng Bayan Station Manager Dr. Anita Tacardon bilang pagkilala sa malaking papel na ginagampanan ng radyo sa pagpapalaganap ng mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng himpapawid.

2 katao sugatan matapos matapos masangkot sa vehicular accident sa Kabacan; motorsiklo, ninakaw



(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Sugatan ang dalawang lalaki makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Corner ng Sunset at Abellera St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ng umaga nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan Traffic Division sa pangunguna ni P01 Amor Guillermo ang mga biktima na sina Joe Alegano nasa tamang edad, residente ng Salapungan, driver ng Kawasaki Fury na aksidenteng nakabangga sa Pioneer Motorcycle na minamaneho ni Elybert Saliling, residente ng USM Compound, ng bayang ito.

Myembro sa trird Sex, nalunod sa Malasila river


(Makilala, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang search and rescue operation ng mga tanod at pulisya sa nalunod na miyembro ng third sex sa Malasila river sa bayan ng Makilala, alas 2:30 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang Argie Javier, 18 residente ng Sitio New Corilla, Poblacion, Makilala.

Ayon sa report, papauwi na ang kanilang grupo matapos mag-inuman sa isang tindahan pero bigla lamang umanong lumukso ang biktima sa gitna ng rumaragsang tubig ng ilog.

29% na mga barangay sa bayan ng Kabacan, apektado ng sakit na dengue


(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Abot sa 22 katao ang nagkaroon ng sakit na dengue sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon ang naitala ng Kabacan Rural Health Unit.

Ito batay sa report ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, aniya sa bilang na ito, nangunguna sa may pinakamataas na kaso pa rin ang brgy. Poblacion at ang brgy Osias.