Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mga estudyante ng USM, biktima ng swindlers; USM Security services pina-iingat ang mga mag-aaral kontra sa mga mapagsamantala at mga manloloko


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012) ---Pinaalalahanan ngayon ng mga otoridad ang mga estudyanteng nag-papa enroll na wag basta-basta ipagkatiwala ang perang pambayad sa tuition fee sa mga taong hindi kilala.

Ito ayon kay University of Southern Mindanao Security Services Management Prof. Orlando “Totong” Forro matapos na mabiktima ang dalawang mga estudyante ng USM ng isang manloloko.

Batay sa report, nagpanggap umano ang suspek na nakilalang si Mrs. Jean Rapuza Ranches residente ng 3rd Block, Villanueva Subdivision, Kabacan na tutulungan umano nito ang dalawang mga estudyante kapwa 2ndyear students ng BS Info system sa USM sa kanilang pag-enrol.

Ito dahil may kakilala umano ang suspek sa admin building para mapabilis ang payment ng kanilang tuition fee.

Ang hindi alam ng dalawang mga estudyante na biktima na pala sila ng swindler. 

Natangay mula sa mga biktima ang perang nagkakahalaga sa P3,000 at 2,700.

Natunton ang kinaroroonan ng biktima batay sa ginawang imbestigasyon ni SG Judy Balmones sa USM hospital makaraang positibong itinuro ang suspek ng kanyang nabiktima, makaraang may pasyenteng naka-confined ang suspek.

Ang nasabing kaso ay ipinasa na sa Kabacan PNP para sa mas masusing imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento