(Kabacan,
North Cotabato/November 16, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng limang mga
pinaniniwalaang sindikatong nangingikil ng milyun-milyong halaga ng salapi sa
National Power Corporation makaraang mahuli at umamin ang isa sa mga ito sa
isinagawang entrapment operation ng mga otoridad alas 10:15 kahapon ng umaga.
Kinilala ng
Kabacan PNP ang nahuling suspek na si Omar Lantong Abdullah, 33, may asawa at
residente ng bayan ng Carmen.
Ang
nasabing extortion at pagbabanta ay nagsimula noon pang Oktubre a-22 at
nagpakilala umano ang suspek sa pamamagitan ng text message na siya si
“Sandubal”, at humihingi ng halagang P20M hanggang sa bumaba ang demand ng mga
suspek sa halgang P15M mula sa NPC.
Nagbanta
umano ang mga ito na magsasagawa sila ngpag-atake at pamomomba sa mga
transmission kung hindi bibigyan ang kanilang demand na mas lilikha ng
milyun-milyong pagkasira sa linya ng kuryente.
Batay sa
report, ipapadala umano ng NPC ang kanilang demand sa LBC Kabacan Branch sa
pamamagitan ng package at ito ay ipipick-up ni Omar Labdullah alas 11:20
kahapon.
Ang suspek
na tiktikan sa loob ng LBC Kabacan Branch matapos na mag-presenta ito ng
kanyang postal ID.
Agad na
hinuli ng mga otoridad ang suspek at nakuha ang iba’t-ibang pagkakakilanlan
nito.
Maliban sa
suspek nahuli din ang mga kasamahan nitong sina: Mila Mangilen Moreno asawa ni
Arsenio Culam Alyas “Sandubal” tinuturong utak sa pangingikil at resident eng
Ugalingan, Carmen, North Cotabato; Myra Mangilen Ayodin, 19, Jordan Sumagka
Ayodin, 22, driver ng tricycle na ginamit nila sa pagpunta sa LBC at resident
eng Genral Luna Carmen, North Cotabato.
Nanguna sa
nasabing operasyon ang mga element ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PCI
Jubernadine Panes, Deputy Chief of Police; sa ilalim ng superbisyon ni PSupt.
Leo Ajero; Police Provincial Intelligence SSGT Ferdinand Macasio, 7IB Phil Army
sa pangunguna ni 1LT Larry Valdez at ng National Power Security Group PSSupt.
Efren Saligan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento