Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangsamoro Framework Agreement ipinaliwanag sa mga Pigcawayanon



(Midsayap, North Cotabato/ November 14, 2012) ---Pinangunahan ni House Special Committee on Peace Reconciliation and Unity Chairperson Cong. Jesus Sacdalan ang pagpapaliwanag ng Framework Agreement on the Bangsamoro sa mga Pigcawayanon noong November 9- 10 ng nakalipas na linggo.

Inilunsad ang unang community information drive tungkol sa framework agreement sa  Barangay Libungan- Torreta kung saan aktibong lumahok ang mga residente sa lugar, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.


Sumali din sa talakayan ang mga barangay officials ng labing- isang Muslim barangays ng Pigcawayan at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Samantala, ginawa naman sa Pigcawayan Municipal Rooftop ang kaparehong pagpapaliwanag ng framework deal na dinaluhan ng mga opisyal ng Christian barangays ng nabanggit na bayan.

Nasisiyahan si Pigcawayan Mayor Roberto Blase dahil sa pagpapaliwanag na ito ng opisina ni Cong. Sacdalan.

Ang inisyatibong ito ay bilang pagtupad sa una nang inihayag ng kongresistang talakayin ang framework agreement sa mga komunidad upang mas lalo pa itong maunawaan.

Ang Pigcawayan ay binubuo ng 40 barangay at walo mula dito ang kabilang sa proposed Bangsamoro Core Territory.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento