(Makilala, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Maglalagay
ng warning siren o alarm bell ang Makilala LGU sa mismong municipal hall sa
unang bahagi ng 2013.
Ayon Makilala Mayor Rudy Caogdan, bahagi ito ng
action plan ng LGU para sa kanilang disaster preparedness program.
Sinabi ng alkalde na kayang abutin ang abot sa
40-kilometer radius ng ilalagay na alarm bell.
Malaking tulong raw sa mga residente ng Makilala
lalo na sa mga naninirahan sa tabing-ilog ang ilalagay na alarm bell.
Tutunog ito kapag
may nagaganap na flashflood at iba pang kalamidad na tatatama sa bayan, ayon
pakay Mayor Caogdan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento