(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012)
---Hinihikaya’t ngayon ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang lahat na
mga Kabakenos, partikular na ang mga negosyante at maging nasa pribado at
pampublikong sektor na sumali sa “Liwanag sa Bayan ng Kabacan contest” na
magsisimula ngayon buwan ng Disyembre hanggang a-31.
Ayon kay Tourism Focal Person Sarrah Jane
Guerrero layon ng nasabing patimpalak na gawing mas kumukutikutitap at makulay ang
kapaskuhan para maramdaman ang spirit of Christmas at para makilala rin ang
Kabacan na isa sa pinakamagandang tourist destination sa North Cotabato.
Kabilang sa mga isasalang sa nasabing
contest ay ang Lanterns, Christmas Tree at designed-lights making, decoration
at lighting.
Sinabi pa ni Guerrero na ang mga lalahok na
establisiemento ay dapat magpapakita ng
kakaibang obra maestro at kultura ng Kabakenos.
May mga nakahandang papremyo ang LGU Kabacan
sa mga pananalong Lanterns, Christmas Tree at Designed Lights.
Pormal ng magsisimula ang contest sa
Disyembre a-3 hanggang sa a-20 ng buwan.
Itatanghal ang mga mananalo sa December 21,
2012 kasabay ng LGU Christmas Party. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento