(Midsayap, North
Cotabato/ November 20, 2012) ---Naging masaya ng ginawang Talent Night &
Haute Couture show ng 2012 Binibining Midsayap pageant nitong Linggo, November
18 ng taong kasalukuyan.
Siyam ng naggagandahang
kalahok ang nagpakita ng kanilang angking talento tulad ng pagsasayaw,
pag-awit, pagpinta, at iba pa.
Kasabay din sa
pinaglabanang kasuotan kagabi ay ang Haute Couture dress na inspirado ng one
town one product ng Midsayap na mangga.
Sa mensahe ni Great
Women Project Manager Luzviminda Villanueva na ang pagsasa-entablado ng
ganitong uri ng paligsahan ay indikasyon na kinikilala ang malaking
kontribusyon ng kababaihan sa pag- unlada ng isang lipunan.
Dagdag ni Villanueva na
ang bawat babae ay may kanyang angking talent at galing na dapat nitong
ipagmalaki at ipamalas sa kanyang mundong ginagalawan.
Gagaganapin naman ang
Grand Pageant Night ngayong Biyernes, November 23 sa Midsayap Municipal
Gymnasium.
Libre itong
mapapanood at magsisimula sa ika- 7 ng gabi.(Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento