(Sultan
Kudarat, November 20, 2012) ----Itinanghal na kampeon sa kabuuan ang University
of Southern Mindanao sa katatapos na “Farms and Industry Encounters Through the
Science and Technology Agenda” na ginanap sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong
Nobyembre a-16 hanggang 17.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Kalimudan
Festival na may temang “Sustaining Science and Technology thru Partnership” ng
iba’t-ibang ahensiya kagaya ng Cotabato Agriculture and Resources Research and
Development Consortium-Philippines o CARRDEC, Philippine Council for
Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development o PCARRD
at ng provincial government ng Sultan Kudarat.
Nakuha ni Juliet Pangalinon ng 4th
year BS Development communication student ang unang parangay sa essay writing
habang 3rd place naman si Michelle Fontanilla, kampeon sa poster making
si Angelo Traya ng Devcom.
Kabilang sa mga contested areas ay ang
Photojourn na sinalihan din ng mga devcom students ng USM na sina Johnry
Ancheta, Bai zhaira Sinolinding at Bea Marie Rientar.
Habang nakuha naman ng College of Human
Ecology and Food Sciences ng USM ang kampeon sa banana deserts and coffee
blending.
Ang
nasabing patimpalak ay naglalayong ipromote ang iba’t-ibang mga agri products
ng rehiyon na nilahukan ng Mindanao State University-Gensan Campus, Sultan
Kudarat State University, Notre Dame of Tacurong, University of Southern
Mindanao at Marami pang iba. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento