Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rehabilitation at Concreting ng Farm to Market Road sa 2 mga barangay ng Kabacan, nagpapatuloy


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Target ngayon ng Kabacan Municipal Planning and Development Office na matatapos ang Rehabilitation at concreting ng Farm to Market road sa brgy Aringay at Nangaan sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Ito batay sa inilabas na report ni Municipal Engineer Noel Agor hinggil sa nasabing proyekto.

Abot sa 14.83 kilometro ang haba ng nasabing Farm to Market road para sa mga brgy: Aringay, Salapungan, Pedtad, Buluan at Nangaan.

Ayon kay MPDC Officer Buenaventura Pacania, nagsimula ang proyekto noon pang January 23 ng taong kasalukuyan.

Ang nasabing proyekto ay sa ilalaim ng leadership ni Kabacan Mayor George Tan kungsaan pinonduhan ito ng P34M.

Maliban dito, may dalawa ring Health Station na ipinapatayo ngayon sa brgy Liton at Lumayong mula kay dating senador Migz Zubiri na nagkakahalaga ng P500,000. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento