(Kabacan,
North Cotabato/ November 21, 2012) ---Bagama’t gahol na sa oras nais ngayong
ihabol ng pamunuan ng Kabacan Municipal Planning and Development Office sa
Sangguniang bayan ang Zoning Ordinance ng Kabacan.
Ito para
makabuo na ng bagong Comprehensive Land Use Planning ang bayan.
Pero sinabi
sa DXVL Radyo ng Bayan ni Zoning Officer Florida Sabutan na dadaan pa muna sa
masusing pagsisiyasat ang nasabing ordinansa bago ito maisalang sa unang
pagbasa.
Labin
dalawang proseso ang dadaanan ng babalangkasing panukala, ayon pa sa opisyal.
Kilalanin
dito ang mga stake holders ng zoning ordinance at aalamin ang tugon ng mga
mamamayan sa isasagawang public hearing, ayon pa kay Sabutan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento