Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Problema hinggil sa sirang kalsada sa Kabacan, ipinaliwanag ng Engineering Office

Engr. Noel Agor 
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Binigyan ng paliwanang ng Office of the Municipal Engineering Office ang reklamo hinggil sa lubak-lubak na daan sa Brgy. Malanduage sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Engineer Noel Agor sa panayam ng DXVL New, provincial road umano ito at mas mainam umano na dumiretsong magrequest ang Brgy. Council ng Malanduage sa Provincial Engineering Office.

Anya, gumagawa naman umano sila ng mga aksyon dito kagaya ng pagtamtambak ng sa mga butas-butas na bahagi ng nasabing daan sa pamamagitan ng mga limestones at iba pa.

Ilang mga mamamayan ng bayan ng Matalam, Carmen at Kabacan, nakinabang sa Serbisyong Totoo Animal Dispersal Program ng PGCot

Photo: DXVL News
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Abot sa 29 na mga baka at kalabaw ang naipamahagi sa ilang mga mamamayan mula sa bayan ng Matalam, Carmen at Kabacan mula sa programang sa Serbisyong Totoo Animal Dispersal Program ng PGNCot na ginanap sa bayan ng Kabacan Municipal Compound kahapon.

Ayon kay North Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Rufino Suropia sa panayam ng DXVL News, 5 mula sa mga ito mula sa bayan Carmen, 14 na mga taga Matalam at 10 sa Kabacan.

Makitid na daanan sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan; masosolusyunan na; Pamilya Mapanao, pumirma na sa deed of Donation sa LGU

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Pormal ng pinirmahan nina Mr. Rodolfo Mapanao, Sr. ang Donor at Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr., ang donee at ang representante ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan, ang Doc. No. 297, Page No. 60 Book 11 na Deed of Donation na pinagtibay naman ni Atty. Teresa Gagabe-Natividad kahapon ng umaga.

Ayon sa report ni Information Officer Sarrah Jane Corpuz Guerrero ang nasabing formal signing ay sinaksihan ni Barangay Poblacion Kagawad Edna Macaya at Mr. Norman Reynaldo R. Mapanao, apo ng Donor.

145 na mga mag-aaral ng ULS-USM, sumailalim sa U4U program ng Population Commission

Photo: FB of Kgd. Jonathan Tabara
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Sumailalim sa programang U4U ang nasa 145 na mga mag-aaral ng University Laboratory School ng University of Southern Mindanao sa ULS Convention Center kahapon.

Ayon kay Provincial Population Officer Junmar Gonzales sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan na layon ng nasabing programa na labanan ang lumalalang  kaso ng teenage pregnancy at pagkakasangkot ng mga kabataan sa pre-marital sex at maagang pagbubuntis ng mga teenager.

Ito ay isang programa ng National Government katuwang ang Population Commission.   

Contractor ng pader na gumuho sa Pikit Central Elementary School, pananagutin!

(Pikit, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Dapat umanong managot ang contractor ng pader na gumuho sa Pikit Central Elementary School (PCES) sa bayan ng Pikit, Cotabato na ikinasugat ng tatlong mga estudyante alas 6:30 ng umaga kahapon.

Ito ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Head Tahira Kalantungan sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.

P300K, naiwang danyos sa nangyaring sunog sa isang Fast Food Chain sa Kabacan

Photo by: Brex Bryan Nicolas, DXVL News
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Nasa P320,000.00 ang naitalang pinsala matapos na masunog ang Pong’s Pritong Manok na nasa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 8:00 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon na napabayaang kumukulong mantika ang pinagmulan ng apoy.

EXCLUSIVE: KABACAN, 2014 PASSER SA GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING NG DILG AT COMPLIANT NAMAN SA ECOSOLID WASTE MANAGEMENT NG DENR

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Isa lamang ang Munisipyo ng Kabacan sa labing walong mga Munisipyo sa Cotabato Province ang nakakuha ng Certification galing sa Department of the Interior and Local Government Regional Office 12 para sa Annual Good Financial Housekeeping para sa taong 2014.

Ang nasabing certification ay mahalaga para sa mga Local Government Units bilang isa sa mga requirements upang makaavail ng ibat-ibang mga special programs and services galing sa mga national agencies. 

Suspek na pumaslang sa kasapi ng sundalo sa Mlang, North Cotabato patuloy na pinaghahanap

(Mlang, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagbaril patay sa isang sundalo sa panibagong krimen na sumiklab sa Purok 8, Brgy. Bialong sa bayan ng Mlang, North Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kahapon.

Sa ginawang panayam ng DXVL News kay P/Insp. Bernard Abarquiz, ang Deputy Chief of Police ng Mlang PNP kinilala nito ang biktima na si Cpl Joey Pastrana Espiritu, may asawa at kasapi ng 7th IB Charlie Coy na naka-base sa Brgy. Tawan-Tawan ng nasabing lugar.

Lalaki, arestado ng Matalam PNP dahil sa illegal drugs

(Matalam, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Kalaboso ang isang 23-anyos na lalaki makaraang sa isinagawang saturation drive ng Matalam PNP kontra illegal na droga sa panulukan ng Tuscano at Lopez Jaena St., Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:20 kahapon.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Ronie Rebuta Basan, 23-anyos at residente ng Purok Pilinut, Malasila, Makilala, Cotabato.

Hidwaan sa mga naglalabang angkan sa 2 barangay sa North Cotabato, tinuldukan sa pamamagitan ng Signing of Peace Covenant

Photo by: DXVL News
(Pikit, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Tuluyan ng tinuldukan ang matagal ng ‘rido’ o labanan ng mga angkan na naglalaban-laban sa pagitan ng Brgy. Dungguan sa bayan ng Aleosan at Langayen, Pikit, Cotabato sa isinagawang ‘Kanduli at Peace Covenant’  sa bayan ng Pikit, Cotabato kahapon ng umaga. 

Ayon kay North Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar na kahit gaanu ka tagal ang rido o ‘family feud’ ay matutuldukan at mareresolba pa rin ito.

Holy Month of Ramadan, pormal ng magsisimula ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Pormal ng magsisimula ngayong araw ang Holy Month of Ramdan, batay sa ginawang anunsiyo ng Darul Ifta, organization of Islamic Scholars.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena matapos ang ginawa nilang moon sighting nitong Martes.

Paliwanag ni Makakena na dahil sa hindi nakita ang buwan, Martes ng gabi kaya ngayong araw na ang opisyal na pagsisimula ng pag-obserba ng banal na buwan.

Batas na kumikilala sa Karapatan at Kultura ng mga Muslim, solusyon sa ugat ng problema sa Mindanao -Pnoy

Photo: FB Malacañang
(Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao/ June 17, 2015) ---Ini-isa ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng kaguluhan sa Mindanao sa kanyang pambungad na pananalita matapos isagawa ang unang bahagi ng pagbababa ng armas ng Moro Islamic Liberation Front sa Old Capitol ng Maguindanao sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon.

Ayon sa pangulo, kung ang pang-aabuso sa batas ang ugat ng problema, dapat na batas na kumikilala sa karapatan at kultura ng mga kapatid na muslim ang maging solusyon.

145 na BIAF-MILF combatants na sumailalim sa ‘decommissioning’, binigyan ng Socio-Economic Programs

(Sultan Kudarat, Maguindanao/ June 17, 2015) ---Maliban sa Philhealth Cards at P25,000 cash assistance na tatanggapin ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF na nagbalik loob bilang sibilyan ay mabibigyan pa ng training sa pamamagitan ng TESDA at Literacy Program ng Department of Education o DepEd ang mga ito.

Ang livelihood package ay ibibigay depende sa kakahayan at ang nais na pangkabuhayan ng mga rebeldeng dati ay tangan ang mga baril at armas pero ngayon ang hawak ay palakol at punla, pahaya pa ni OPPAP Sec Teresita Deles.

Bukod dito, may ibibigay din na College Study grant at High School Study grant.

Batay kasi sa profile ng 145, pito lamang sa kanila ang naka-pagtapos ng kolehiyo, 3 ang naka-abot ng college, karamihan ay high school level habang ang iba naman ay elementary level.

Pagbababa ng armas ng MILF, pagpapakita ng pagrespeto at pagtupad sa kasunduan ng CAB ---North Cotabato LMT

Photo by: DXVL News
(Sultan Kudarat, Maguindanao/ June 17, 2015) ---Iginiit ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na ang ginawang ‘decommissioning’ ay ang pagpapakita ng katapatan at pagrespeto ng MILF ng MILF sa usapang pangkapayapaan.

Ito ayon kay North Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mga reports hinggil sa nahulog na sasakyang panghimpapawid sa Sultan Kudarat, hindi pa makumpirma ng Philippine Army

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang operasyon ng binuong search and rescue operation ng Philippine Army at ng Disaster Respond Unit ng bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat para alamin ang katotohanan hinggil sa report na mayroong sasakyang panghimpapawid na bumagsak sa bahagi ng lalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay Lt. Col. Ricky Bunayo ng 33rd IB Philippine Army sa panayam mismo ng DXVL News Radyo ng Bayan sa opisyal na sa kasalukuyan ay wala pa silang nakikitang physical evidence na makapagpapatunay na mayroong nahulog o naaksidenteng sasakyang panghimpapawid base na rin sa kanilang ginawang search and rescue operation simula nang makatanggap ng report.

1 lalaki, kalaboso dahil sa illegal ng pagdadala ng baril sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki matapos na mahuli ng Kabacan PNP dahil sa illegal na pagdadala ng baril sa Brgy. Osias kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang suspek na isang Kadatuan Musa, 43 anyos, at residente ng Brgy. Patadon sa bayan ng Matalam.

Karnaper ng trycicle sa bayan ng Kabacan, kalaboso sa hot pursuit operation ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2015) ---Kalaboso sa isinagawang hot pursuit operation ang isang carnapper sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguiundanao kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News Team, kinilala nito ang suspek na isang Esmael Panangilan, 27 anyos, binata at residente ng Brgy. Inog-og, Pagalungan, Maguindanao.

Public Hearing hinggil sa panukalang batas na paglalagay ng Speed Limit sa National Highway sa bayan ng Kabacan, gaganapin ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Iniimbitahan ng SB ang publiko na dumalo sa gaganaping public hearing hinggil sa panukalang batas na paglalagay ng Speed Limit sa National Highway ng bayan Kabacan sa Municipal Gym alas 9:00 ngayong umaga.

Ito ayon kay Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade sa panayam ng DXVL News team.

Dadalo naman sa nasabing pagpupulong ang mga komitiba sa SB na may kinalaman sa nasabing usapin kasali narin ang Kabacan PNP Traffic Divission at Kabacan TMU.

1st COP Corderos Shoot Cup sa bayan ng Kabacan, naging matagumpay :Brgy. Bannawag BPATS, kampeon sa Team BPAT Category

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Naging matagumpay ang kaunaunahang Independence Day Shoot COP Cordero’s Cup sa USM Firing Range Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News Team, dinaluhan ang nasabing aktibidad ng ibat-ibang mga shooting fanatics mula sa probinsiya ng North Cotabato pati narin ng ibat-ibang mga karatig probinsiya.

Basketball Court, ibibigay ng Brgy. Poblacion Council sa Plang Village III

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Labis ang pasasalamat ng mga Purok Officials ng Plang Village III sa Brgy. Poblacion Council matapos na nangako itong maglalaan ng pondo upang gawing basketball court sa nasabing lugar sa nanganap na 5th Purok Fiesta ng nasabing purok kamakalawa.

Ayon kay Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan Kapitan Mike Remulta na siyang naging panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon, kanya umanong sisiguradohin na mapaglalaanan ng pondo ang nasabing proyekto sa gaganaping Annual Planning and Budgeting ngayong taon.

Sandwich Program isinusulong ni USM President sa UC Davis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Isinusulong ni USM President Francisco Gil Garcia ang sandwich program sa University of California sa Davis, California o UC Davis.

Sa programang Unibersidad Serbisyo at Mamamayan o USM inihayag ni President Garcia na sa pagbisita nito sa UC Davis, ang unibersidad na nangunguna sa QS rating sa mga unibersidad sa buong mundo dahil sa research na ginagawa ng mga ito, aniya, desidido na tumanggap ang UC Davis ng mga estudyante na galing sa ibang bansa.

2 sundalo ng 57th IB sugatan sa pananambang sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Sugatan ang dalawang miyembro ng 57th Infantry Battalion matapos mabiktima ng pananambang sa Purok 5, Brgy.Noa, Magpet, North Cotabato noong  Biyernes, Hunyo 12 alas 8:30 ng umaga.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP kinilala nito ang dalawang sundalo na sina  Cpl. Mura B. Rajabuayan, 39 anyos at Pfc Wilfredo Legsay.

RHU Kabacan, may babala sa mga may ari ng aso!

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Nagpaalala ngayon ang Rural Health Unit ng Kabacan sa publiko na mag ingat para hindi makagat ng mga gumagalang aso.

Pinaalalahan din ang mga nag mamay-ari nito na ugaliing nakatali ang mga alagang aso at siguraduhing nakakulong ang mga ito.

Ginawa ng nasabing tanggapan ang pahayag matapos  makagat ng aso ang mag-ama sa isang barangay sa bayan ng Kabacan.

Beautician, timbog sa illegal na droga sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na beautician matapos mahulihan ng illegal na droga sa inilatag na saturation drive ng Matalam PNP sa Bus Terminal sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 10:45 ng umaga kahapon.

Sa report na nakarating kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Eduardo Ybanez, residente ng Taran Subdivision, Kidapawan City.