Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

RHU Kabacan, may babala sa mga may ari ng aso!

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Nagpaalala ngayon ang Rural Health Unit ng Kabacan sa publiko na mag ingat para hindi makagat ng mga gumagalang aso.

Pinaalalahan din ang mga nag mamay-ari nito na ugaliing nakatali ang mga alagang aso at siguraduhing nakakulong ang mga ito.

Ginawa ng nasabing tanggapan ang pahayag matapos  makagat ng aso ang mag-ama sa isang barangay sa bayan ng Kabacan.

Nabatid na matapos mangyari ang insidente ay agad na tinungo ng barangay midwife ang mga biktima noong Sabado para mabigyan ng atensyong medikal.

Sa ngayon patuloy pa ring ino-obserbahan ang nakakagat na aso.

Panawagan lamang ngayon ng RHU Kabacan sa publiko na tiyaking napabakunahan ng anti-rabies ang mga alagang hayop taon taon para iwas disgrasya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento