Photo by: DXVL News |
Ito ayon kay North Cotabato Local Monitoring
Team Jabib Guiabar sa panayam sa kanya ng DXVL News.
MILF Chief Negotiator Mohaqher Iqbal |
Aniya, Unang yugto pa lamang ng decommissioning
process ang pagbababa ng 75 mga armas
maliban pa sa 145 miyembro rin ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng
MILF na tumalikod sa pagiging rebelde, kung saan sumailalim sila sa
registration at validation process.
Makatatanggap ang mga sumukong rebelde ng
PhilHealth cards at P25,000 bilang cash assistance.
Matapos ang ceremonial turn-over ng mga
armas at ng decommissioning ng mga MILF-combatants ay agad na tinurn-over ang
mga armas sa isang Independent Decommissioning Body, bilang third party
facilitator na pinangunahan ni Turkish Ambassador Haydar Berk, kungsaan
ilalagak ito sa Camp Abubakar.
Kabilang sa mga uri ng armas na ibinaba ng
MILF ay ang: M16, M14, M1 Garand, 50 Caliber Machine Gun, 60mm Mortar, 81mm
Mortar, 60 Caliber Machine Gun, Sniper Barrette Rifle, M79 at Carbine rifle.
Mariin ding itinanggi ni LMT Guiabar na
walang katotohanan ang mga haka-haka na may depekto ang mga baril na isinaoli
ng mga MILF.
Hindi na umano maaaring bawiin ng MILF ang
mga baril na isinauli sapagkat mamumuhay na ang mga ito ng mapayapa at bilang
sibilyan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento