Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Batas na kumikilala sa Karapatan at Kultura ng mga Muslim, solusyon sa ugat ng problema sa Mindanao -Pnoy

Photo: FB MalacaƱang
(Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao/ June 17, 2015) ---Ini-isa ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng kaguluhan sa Mindanao sa kanyang pambungad na pananalita matapos isagawa ang unang bahagi ng pagbababa ng armas ng Moro Islamic Liberation Front sa Old Capitol ng Maguindanao sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon.

Ayon sa pangulo, kung ang pang-aabuso sa batas ang ugat ng problema, dapat na batas na kumikilala sa karapatan at kultura ng mga kapatid na muslim ang maging solusyon.


Samantala, may patutsada naman ang punong ehekutibo sa mga mambabatas na umano'y nagpapatagal sa pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ng Pangulong Aquino, kinikilala nitong seryosong commitment ng MILF sa kapayapaan ang pag-turn-over ng mga armas kahit hindi pa naipapasa ang BBL.

Kaugnay nito, iginiit ni MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim na hindi kahinaan ang kanilang pagpayag sa decommissioning kahit hindi pa naipapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Aniya, sagisag ito ng kanilang katapatan sa kanilang isinusulong na kapayapaan sa Mindanao.

Binigyang diin pa ng Chairman na hindi ang armas at mga armadong grupo ang kanilang lakas kundi galing ito sa kanilang sariling puso at pagmamahal ng mga Bangsamoro.


Bumwelta naman si Murad sa ilang sector kasama na ang media na bumabatikos sa kanila. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento