(Magpet, North Cotabato/ June 15,
2015) ---Sugatan ang dalawang miyembro ng 57th Infantry Battalion
matapos mabiktima ng pananambang sa Purok 5, Brgy.Noa, Magpet, North Cotabato
noong Biyernes, Hunyo 12 alas 8:30 ng umaga.
Sa panayam ng DXVL news kay PSI Felix
Fornan, hepe ng Magpet PNP kinilala nito ang dalawang sundalo na sina Cpl. Mura B. Rajabuayan, 39 anyos at Pfc
Wilfredo Legsay.
Sa initial na imbestigasyon ng Magpet
PNP, galing umano sa Brgy. Basak papuntang Brgy. Poblacion at sakay umano ng
Kawasaki bajaj motorsiklo, kulay pula at Honda XRM na kulay itim at puti ang
mga biktima nang tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaang miyembro ng
CNN Front 53 ng NPA. Nagtamo ng sugat sa mga paa si Cpl. Rajabuayan at tinamaan
naman sa likod si Pfc. Legsay.
Tumakas sa di malamang direksyon ang
mga suspek matapos tangayin ang mga motorsiklo ng mga biktima.
Samantala, inihayag ni PSI Fornan na
naka alerto ang kapulisan at kasundaluhan hinggil sa naturang pangyayari. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento