(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Isa
lamang ang Munisipyo ng Kabacan sa labing walong mga Munisipyo sa Cotabato
Province ang nakakuha ng Certification galing sa Department of the Interior and
Local Government Regional Office 12 para sa Annual Good Financial Housekeeping
para sa taong 2014.
Ang nasabing certification ay mahalaga para
sa mga Local Government Units bilang isa sa mga requirements upang makaavail ng
ibat-ibang mga special programs and services galing sa mga national agencies.
Ang nasabing certification ay pormal na ibinigay ni DILG Provincial Director
Ali B. Abdullah at Gov. Emmylou Lala T. Mendoza, kasabay ng pagpupulong ng mga
miyembro ng Provincial Peace and Order Council ng Cotabato noong June 15, 2015
sa Amas Capitol Roof Top, Amas, Kidapawan City.
Ang Good Financial Housekeeping ay ang
pinansyal na aspeto ng Seal of Good Housekeeping at isa lamang sa anim na mga
areas na inaassess kada taon. Ang aspetong pinansyal ng SGLG ay naglalayong
gawing tuloy-tuloy ang Accountability at Transparency Practices ng LGU sa
pamamahala ng pera ng taong bayan.
Samantala, isa naman ang Munisipyo ng
Kabacan sa 37% lang na mga munisipyo sa buong North Cotabato ang nacategorize
bilang “complying” o munisipyo na sumusunod sa apat na indicators ng DENR para
sa Ecosolid Waste Management gaya ng (1) Segregation of Wastes, (2) Labeling of
segregated wastes, (3) mayroong Material Recovery facility, at (4) regular na
ina-update ang Ten-year Ecosolid Waste Management Plan. Ang nasabing mga
indicators ay ibinigay ng Department of Environment and Natural resources
Region 12 sa tamang pamamahala ng mga
basura.
Sa pareho ding okasyon, ibinahagi ang status
ng Compliance on Solid Waste Management as per Republic Act 9003 ni Ms. Soraya
Miditar ang Officer in Charge ng Solid Waste Management ng DENR-EMB XII.
Sa
kanyang mensahe, kanyang binigyang diin na isa sa mga sanctions na ibibigay sa
mga non-complying LGUs ay ang posibleng pagpapataw ng kaukulang kaso sa mga
ito.
Kaya naman, sa mensahe ni Hon. Lala T. Mendoza, kanyang hinikayat ang
lahat ng mga Municipal Local Government Operations Officers na tulungan ang
kanilang mga LGUs na macomply ang mga nasabing requirements. Sarrah Jane Corpuz Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento