Photo
by: DXVL News
|
Ayon
kay North Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar na kahit gaanu ka tagal
ang rido o ‘family feud’ ay matutuldukan at mareresolba pa rin ito.
LMT
Jabib Guiabar
|
Napag-alaman na ang pamilya Tayuan-Hamid,
Pasandalan buhat sa Brgy. Langayen, Pikit ay mahigit 30-taon ng may hidwaan sa
angkan ng mga Aliman, Suga, Sampayan at Ungkay na mula naman sa Dungguan sa
bayan ng Aleosan.
Sinabi ni NIA, Project Manager Engr. Datu
Noldin Oyod na marami na ring buhay ang nalagas at marami na ring ari-arian ang
nawasak kasama na ang mga pangarap dahil sa nasabing kaguluhan.
Vice
Chairman Von Al-Haq
|
Matapos ang paglagda ng kasunduan ay
nagyakapan, nagkamayan ang magkabilang panig sa presensiya nina Mayor Muhyryn
Sultan-Casi ng Pikit, dating Mayor Sumulong Sultan, Mayor Vincente Sorupia ng
Aleosan, 602nd Commanding Officer Col. Noel Clement, Board Member Kellie
Antao, B/General CCH, GPH Carlito Galvez Jr., mga Kumander ng MILF, MILF vice
chairman Von Al-haq at iba pa.
P/SSupt.
Danilo Peralta, PD CPPO
|
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kumander
Koyo aliman ng 105th Based Command ng MILF dahil sa pagkakaresolba
ng nasabing kaguluhan sa kanilang lugar at makapamauhay na sila ng maayos at
walang kaba.
Bilang kinatawan naman ni Gov. Lala Taliño
Mendoza, nagpahayag naman ng pagsuporta si Board Member Loreto Cabaya sa
pagkakaresolba sa matagal ng hidwaan sa lugar.
Matapos ang nasabing laban sa pagpupursige
ng kapayapaan, ang laban naman sa kahirapan ang susunod na tutukan nila sa
tulong ng Provincial Government.
Mahalaga naman ang respeto o ang paggalang
sa isa’t-isa para mapanatili ang Kapayapaan, ito naman ayon kay Provincial
Director P/SSupt. Danilo Peralta ng CPPO. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento