Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sandwich Program isinusulong ni USM President sa UC Davis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Isinusulong ni USM President Francisco Gil Garcia ang sandwich program sa University of California sa Davis, California o UC Davis.

Sa programang Unibersidad Serbisyo at Mamamayan o USM inihayag ni President Garcia na sa pagbisita nito sa UC Davis, ang unibersidad na nangunguna sa QS rating sa mga unibersidad sa buong mundo dahil sa research na ginagawa ng mga ito, aniya, desidido na tumanggap ang UC Davis ng mga estudyante na galing sa ibang bansa.


Dagdag pa ni Garcia na kasama ang Alumni Regent kasama si Dr. Consuelo Tagaro na dapat umano hanapin ang mga mayayaman o may kakayahan sa buhay na pwedeng tumulong sa naturang programa.


Napakamahal umano ng edukasyon kung kaya’t ang gagawin na hakbang ay mag se-set-in sa klase ng propesor ang mga graduate students ng anim na buwan hanggang isang taon. Pwede umanong gamitin ng graduate student ang mga materials at research ng propesor sa UC Davis. Dagdag pa ni Pres. Garcia na kung magugustuhan umano ng mga propesor ang research ay maaaring tulungan ng mga ito na mai-link sa kanilang industriya.


Samantala may malakas din umanong Alumni association sa Texas ang mga nagsipagtapos sa MIT o USM at nagkaroon ng annual gathering. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento