Photo: DXVL News |
Ayon kay North Cotabato Provincial
Veterinarian Dr. Rufino Suropia sa panayam ng DXVL News, 5 mula sa mga ito mula
sa bayan Carmen, 14 na mga taga Matalam at 10 sa Kabacan.
Mismong si Gov. Lala Taliño Mendoza ang sumaksi ang isinagawang ceremonial
turn-over sa mga benepisyaryo.
Inihayag din ng opisyal na lahat ng
benepisyaryo ng nasabing programa ay may kaakibat na obligasyon.
Ito ay ang alagaan ang mga hayop at
ang unang anak na lalaki o babae na aabot sa 8-10 buwang gulang ay ibabalik sa
Provincial Government.
Isa umano ito sa mga livelihood
projects ng PGNCot sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño Mendoza sa pagkat ang mga
susunod na magiging anak ng mga mga hayop na ito ay mapupunta na mga
benepisyaryo.
Nanawagan rin ang opisyal sa mga
mamamayan ng lalawigan na kung sino man ang nagnanais na makatanggap at
maka-avail sa nasabing programa ng Provincial Government ay sumulat lamang sa
Governors Office at i-address ito kay Gov. Lala.
Pumili lamang umano kung anong hayop
ba ang gusto nilang alagaan, kung ito ba ay, baka, kalabaw, kambing o baboy. Rhoderick Beñez\ Philip Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento