(Mlang, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Patuloy
ngayong tinutugis ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagbaril patay
sa isang sundalo sa panibagong krimen na sumiklab sa Purok 8, Brgy. Bialong sa
bayan ng Mlang, North Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kahapon.
Sa ginawang panayam ng DXVL News kay P/Insp.
Bernard Abarquiz, ang Deputy Chief of Police ng Mlang PNP kinilala nito ang
biktima na si Cpl Joey Pastrana Espiritu, may asawa at kasapi ng 7th IB Charlie
Coy na naka-base sa Brgy. Tawan-Tawan ng nasabing lugar.
Batay sa police report, nagtamo ng maraming
tama sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagging dahilan ng
agaran nitong kamatayan.
Lumalabas sa inisyal na ulat na nag-iinuman
ang biktima kasama ang tatlong mga kasamahan sa isang videoke house ni Degayo
ng pagbabarilin ng suspek.
Nang makitang bulagta ang biktima ay agad na
tumakas ang suspek. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento