Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1st COP Corderos Shoot Cup sa bayan ng Kabacan, naging matagumpay :Brgy. Bannawag BPATS, kampeon sa Team BPAT Category

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Naging matagumpay ang kaunaunahang Independence Day Shoot COP Cordero’s Cup sa USM Firing Range Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News Team, dinaluhan ang nasabing aktibidad ng ibat-ibang mga shooting fanatics mula sa probinsiya ng North Cotabato pati narin ng ibat-ibang mga karatig probinsiya.


Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Kabacan PNP OIC Chief PSI Cordero sa pakikipagtulungan ng Golden Green Gun Club sa pamumuno ni Dr. Cedric Mantawil at ng LGU Kabacan sa pamumumuno ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr.

Naging tampok naman sa nasabing aktibidad ang Team BPAT Category na kung saan ay nagpamalas naman ng galing sa Actual Firing ang mga BPATS mula sa ibat-ibang barangay ng Kabacan at bawat barangay ay may 5 kalahok.

Nabatid na bago ang COP Cordero’s Cup ay nagsagawa muna ng Gun Safety and Gun Ownership Seminar ang Kabacan PNP sa mga BPAT sa bayan isang araw bago ang kompetisyon at ang nasabing aktibidad ang kanilang naging daan upang maipakita ang kanilang natutunan sa nasabing seminar.

Naging 1st runner up ang Brgy. Salapungan at naging Kampeon naman ang Brgy. Bannawag sa Team BPAT Category.

ito ang alinsunod parin sa kampanya ng Kabacan PNP at LGU upang maturuan sa tamang paggamit ng mga baril ang mga BPAT’s na kanilang katuwang sa pagpapatupad ng kaayusan sa bayan. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento