(Sultan Kudarat, Maguindanao/ June 17, 2015)
---Maliban sa Philhealth Cards at P25,000 cash assistance na tatanggapin ng mga
kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF na nagbalik loob bilang
sibilyan ay mabibigyan pa ng training sa pamamagitan ng TESDA at Literacy
Program ng Department of Education o DepEd ang mga ito.
Ang livelihood package ay ibibigay depende
sa kakahayan at ang nais na pangkabuhayan ng mga rebeldeng dati ay tangan ang
mga baril at armas pero ngayon ang hawak ay palakol at punla, pahaya pa ni
OPPAP Sec Teresita Deles.
Bukod dito, may ibibigay din na College
Study grant at High School Study grant.
Batay kasi sa profile ng 145, pito lamang sa
kanila ang naka-pagtapos ng kolehiyo, 3 ang naka-abot ng college, karamihan ay
high school level habang ang iba naman ay elementary level.
Ang kahirapan at ang kaguluhan sa lugar ang
isa mga nakikitang dahilan.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong
Benigno Aquino III, DILG Sec. Mar Roxas, MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim,
OPPAP Sec Ging Deles, MILF Chief Negotiator Mohaqher Iqbal, GRP Peace Panel
Prof. Miriam Coronel Ferrer ang nasabing seremonya.
Dumalo din sa nasabing aktibidad si
Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu, ARMM Gov. Mujiv Hataman, North Cotabato Gov.
Emmylou Lala Taliño Mendoza, Minda Chair Luwalhati Antonino at iba pang mga
opisyal.
Kasama din sa delegasyon ng MILF si North
Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar.
Kabilang naman sa Independent Decommissioning
Body mula sa mga Foreign Experts sina Ambassador Haydar Berk (Turkey), IDB
Chairperson habang counterpart naman nito sa local sina Prof. Mario Aguja at
Ret. Lt. Gen. Rey Ardo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento