(Kabacan, North
Cotabato/ June 16, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang operasyon ng
binuong search and rescue operation ng Philippine Army at ng Disaster Respond
Unit ng bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat para alamin ang katotohanan hinggil
sa report na mayroong sasakyang panghimpapawid na bumagsak sa bahagi ng
lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Lt. Col.
Ricky Bunayo ng 33rd IB Philippine Army sa panayam mismo ng DXVL
News Radyo ng Bayan sa opisyal na sa kasalukuyan ay wala pa silang nakikitang
physical evidence na makapagpapatunay na mayroong nahulog o naaksidenteng
sasakyang panghimpapawid base na rin sa kanilang ginawang search and rescue
operation simula nang makatanggap ng report.
Naikot na umano nila
ang area ng bayan ng Esperanza, at Ninoy Aquino Town at sa katunayan ay umabot
na rin sila ng paghahanap sa Lebak, Sultan Kudarat ngunit wala parin silang
makitang physical evidence.
Pero isa umano sa
mga ipinahayag ng mga residente sa lugar na mayroong umanong nangyaring malakas
na pagsabog na naramdaman mismo ng mga residente ang impact ng nasabing
pagsabog sa lupa dagdag pa ng opisyal.
Nabatid rin mula kay
Lt. Col. Bunayo na kung isang aircraft umano ang sumabog ay hindi ito umano ito
ganoon kalakas.
Naramdaman umano ang
nasabing pagsabog sa layong mahigit 30 na kilometro.
Nakipagugnayan narin
umano sila sa lahat ng mga commercial flights ngunit sinabi ng mga ito na wala
naman silang nawawalang flights o kahit mga private planes o kahit anong mga
reported incidents na naitatala.
Anya wala silang
ibang nakikitang lead kundi isang meteorite ang bumagsak ngunit hindi pa rin
ito napapatunayan sapagkat wala pang ebidensiyang kanilang natagpuan.
Ngayong araw ay
nakatakdang ipagpatuloy ang paghahanap ng search and rescue team upang tumulong
sa paghahanap kung talagang saan ang pinagmulan ng nasabing pagsabog. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento