(Kabacan, North
Cotabato/ June 15, 2015) ---Iniimbitahan ng SB ang publiko na dumalo sa
gaganaping public hearing hinggil sa panukalang batas na paglalagay ng Speed
Limit sa National Highway ng bayan Kabacan sa Municipal Gym alas 9:00 ngayong
umaga.
Ito ayon kay Kabacan
Vice Mayor Myra Dulay Bade sa panayam ng DXVL News team.
Dadalo naman sa
nasabing pagpupulong ang mga komitiba sa SB na may kinalaman sa nasabing usapin
kasali narin ang Kabacan PNP Traffic Divission at Kabacan TMU.
Pagkatapos ng
nasabing Public Hearing ay babalik ang nasabing panukala sa SB na siyang dadaan
naman sa una hanggang huling pagbasa bago ito maisasabatas.
Kung maisasabas ito
ay magiging malaking tulong ito para sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan.
Kung matatandaan ay
naisabatas rin ang pagkukulay kahel o orange sa lahat ng mga trysikel at
trysikad sa bayan na naging daan sa pagbaba ng kriminalidad sa bayan.
Malaking tulong ito
lalo nat marami nang mga tysikel at trysikad ang nakarnap sa bayan na narekober
dahil ditto. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento