Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Secretary Alcala pinangunahan ang harvest Festival sa bayan ng M’lang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Tinungo kahapon (September 19, 2013) ni Agriculture Secretary  Proceso Alcala  ang bayan ng Mlang, North Cotabato para pangunahan ang isinagawang Rice Harvest Festival sa nasabing bayan.
Ayon kay Regional Agriculture and Fishery Information Division ng Department of Agriculture 12 Head Nelly Ylanan layon ng pagbisita ng kalihim ay para ipakita ang kakayahan ng nasabing lugar na matulungan ang pamahalaan na makamit ang kasapatan ng bigas.

3 mga tulak droga, arestado ng Kabacan PNP na aktong humihithit ng illegal drugs

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Inaresto ng Kabacan PNP ang tatlo katao makaraang naaktuhang humuhithit ng shabu sa isang bahay na nasa Purok 1, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 10:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina: Zaldy Muhamad Inta, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Purok Chrislam; Jay Garcia Layagan, 35, residente ng Purok 1, Osias at Marie Abillana, 34, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

(Update) Mga otoridad may lead ng sinusundan sa pamamaslang sa 3 minors na mag-iitik na pinagsasaksak sa loob ng tolda

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung anu ang motibo sa pagpatay sa tatlong mga binatilyo na natagpuang nakahandusay sa loo ng tolda na kanilang pahingaan sa sakahan ng barangay Aringay, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang tatlong mga biktima sa kanilang mga alyas na sina: Owen, 14; Butchoy, 12 at Jony 20 at tubong Barangay Liliongan, Carmen, North Cotabato.

38-anyos na magsasaka, patay ng malunod sa fishpond sa M’lang, NCot

(Mlang, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Patay na ng matagpuan ang isang 38-anyos na magsasaka na palutang-lutang sa fishpond malapit sa kanilang bahay na nasa Purok 1, Poblacion B, Mlang, Nort Cotabato alas 5:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Rollando Dillera, hepe ng Mlang PNP kinilala ang biktima na si Frederick Lumbuan Apolinario, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Malayong barangay sa North, Cotabato, nabigyan ng pailaw

(Pigcawayan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Hinimok ngayon ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO-PPALMA ang mga bagong konsumante na gamitin sa tama at produktibo ang serbisyo ng kuryente.

Ginawa ni COTELCO Institutional Development and Services Division Chief Rolando Barrato ang pahayag kasabay ng isinagawang turn- on ceremony sa Sitio Mangga, Barangay Midapapan Uno, Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Rivera Bautista.

DOH-ARMM, iginiit na kasing bisa ng branded na gamot ang generics

(Maguindanao/ September 20, 2013) ---Inihayag ngayon ni DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na kasing-bisa ng generics ang mga branded na gamot.

Ginawa ni Sinolinding ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng Generics Month ngayong buwan.
Kaugnay nito, hinimok din ng opisyal ang publiko na tangkilikin ang generics na gamot dahil mas mura ito kaysa sa branded pero magkapareho din ang bisa.

3 kabataan tinadtad sa loob ng tolda sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong menor-de-edad matapos na matagpuang tadtad ng saksak sa loob ng isang tolda na kanilang pahingaan sa sakahan sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang tatlong mga biktima sa kanilang mga alyas na sina Owen, 14; Butchoy, 12 at Jony, 20, Barangay Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Mga ginagawa ng pamahalaang panlalawigan ng N. Cotabato sa panahon ng sakuna at kalamidad, inilatag

(Amas, Kidapawan City/ September 20, 2013) ---Inilatag kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang mga ginagawa ng probinsya sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Sa naganap na Regional Summit on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) for Local Executives sa lungsod ng Heneral Santos, sinabi ni North Cotabato 1st district board member Noel Baynosa na nakasentro ang gawain ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa adbokasiyang ‘Serbisyong Totoo’.

4 arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na aktibidad sa North Cotabato

(Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Arestado ang apat katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra illegal na droga sa lalawigan ng North Cotabato.

Nitong Martes, unang inaresto ang isang lalaki matapos na mahuling nagpapataya ng last-two sa Dayao Street Kidapawan.

Iniwang bagahe, pinaniniwalaang may lamang pampasabog nagdulot ng bombscare

(Amas, Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Pinasalamatan ngayon ng PNP Cotabato ang pagiging alerto at mapagmatyag ng taong bayan partikular na sa mga kahina-hinalang mga tao at gamit sa paligid.

Ito ang naging pahayag ng pulisya sa nangyaring bomb scare sa Amas, Kidapawan City.

‘Tulay Para Sa Kapayapaan’ pinasinayaan sa dalawang barangay sa Midsayap, North Cotabato

(Midsyap, North Cotabato/ September 19, 2013) ---Pinangunahan kamakalawa ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang turn- over ceremony ng dalawang bailey- type bridges sa ilalim ng proyektong ‘Tulay Para Sa Kapayapaan’ sa Midsayap, North Cotabato.

Ginawa ang seremonya sa Purok Rosas, Barangay Poblacion 8 at sa Barangay Lagumbingan dito sa bayan.

North Cotabato Provincial Government, maglulunsad ng jobs fair sa mga munisipyo

(Amas, Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Matapos ang matagumpay na special recruitment at jobs fair na pinangunahan ng Provincial Government ng North Cotabato noong Agosto 20-22 kasabay ng Kalivungan Festival ay muling magsasagawa ng kahalintulad na aktibidad ang probinsiya.

Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang gagawing jobs fair ngayon ay di kagaya ng dati na iisang venue lamang, pero ngayon ito ay isasagawa sa ibat-ibang mga munisipyo ng lalawigan.

18-anyos na binatilyo utas sa kuryente

(Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Nangisay ang isang lalaki makaraang makuryente habang nagkukumpuni sa pamamahay nito sa Barangay Indangan, Kidapawan City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Marvin Manan, 18 residente ng nabanggit na lugar.

Konsehal sugatan sa pamamaril

(Cotabato City/ September 18, 2013) ---Pinagbabaril ang konsehal ng Mother Kabuntalan, Maguindanao sa may bahagi ng Lugay-lugay Street, Cotabato City Kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Rahiema Sangkad Sumagka.

2 kawani ng gobyerno, patay sa road mishap sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ September 18, 2013) ---Patay ang dalawang empleyado ng gobyerno makaraang masangkot sa aksidente sa daan ang sinasakyang motorsiklo sa highway ng Matalam, North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sr. Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Francis Bello, Jr., at Doris Ann Andum, kapwa kawani ng Office of Southern Cultural Communities (OSCC) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Death squad sa Kabacan, pinabulaanan ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ September 18, 2013) ---Walang katotohanan ang umuugong na report na may kumakalat diumanong death squad sa bayan ng Kabacan upang lumipol sa mga kriminal.

Ito ang sinabi ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa isyung lumabas matapos na mabaril at mapatay ang ilan sa mga may nauna ng criminal record na mga biktima sa Kabacan kamakailan.

Pinatay sa Chainsaw operator, sangkot sa illegal na gawain

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Inaalam na ngayon ngmga otoridad ang anggulong may kinalaman sa illegal na aktibidad ng suspek na napatay sa pamamaril sa Purok Krislam, Kabacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr., chainsaw operator, may asawa at residente ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City. 

(Update) Paunang bayad ng Kidapawan City LGU sa kuryente, inilabas na

(Kidapawan City/ September 17, 2013) ---Naglabas na ng P5.7M na supplemental budget ang SP Kidapawan makaraang maaprubahan ang nasabingbudget sa nakalipas na session ng Sanngunbian.

Ang pagpapalabas ng budget kasunod ng napabalitang puputulan ng kuryente ang City hall, mga streetlights at iba pang gusali na pagmamay-ari ng Kidapawan City local government.

Lalaki na nakuhanan ng shabu sa Matalam, NCot; sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165

(Matalam, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Kalaboso sa Matalam PNP lock up cell ang isang 45-anyos na lalaki matapos makuhanan ng pinaniniwalaang shabu sa Matalam, North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ng MAtalam PNP ang suspek na si Bernie Dela Torre na residente ng Purok Rosal, Poblacion, Matalam, North Cotabato.

MNLF, itinuturong nasa likod ng pagdukot sa Negosyante sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Kasapi ng Moro National Liberation Front o MNLF ang sinasabing utak sa tangkang pangingidnap sa isang negosyante sa Midsayap, North Cotabato noong Sabado.

Ito ang ibinunyag ng dalawang suspek na una nang nahuli ng mga awtoridad matapos magkahabulan sa Public Market Area ng Midsayap.

Mga pamamaril sa Pikit, North cotabato, may kinalaman sa illegal na droga

(Pikit, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Anim sa walong naitalang biktima ng pamamaril mula buwan ng Hulyo sa Pikit, North Cotabato ay may kinalaman sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ni Pikit PNP Chief of Police Senior Inspector Elias Dandan matapos maitala ang pang-walong biktima ng pamamaril sa Pikit.

Ika-37 Kaarawan ni Mayor Herlo Guzman, Jr., ipinagdiwang

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Suportado ni USM OIC Pres Atty. Christopher Cabilen ang ipinapatupad ng pamahalaang lokal ng Kabacan na One way sa USM avenue, dahil sa naging maluwag na umano ang nasabing pangunahing kalye papasok ng University of Southern Mindanao Main Campus.

Ito ang mensahe ng OIC sa programa hinggil sa kaarawan ni Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon na isinagawa sa Municipal gymnasium.

Kidnaper, patay sa engkwentro sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isa sa mga apat na mga kidnaper makaraang manlaban sa mga pulis ng magka-engkwentro ang mga ito sa Pamilihang bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang kidnaper na nasawi na si Jialon Pasandalan, residente ng Pikit North Cotabato.

Oplan Broadcastreeing, gagawin ngayong umaga sa Kabacan Terminal Complex

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Gagawin ngayong umaga ang Oplan Broadcastreeing ng mga kasapi ng mga Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP-Kabacan chapter DXVL Radyo ng Bayan sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Interior and Local Government Office at ng LGU Kabacan kasama ang USM-Devcom Department.

Ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan ang nasabing programa ay bahagi ng suporta nila sa National Greening program ng Pamahalaang National.

Ang nasabing aktibidad ay gagawin sa Kabacan Terminal Complex ganap na alas 10:00 ngayong umaga.

P5.7M, aprubado na sa SP Kidapawan para sa inisyal na pambayad sa kuryente

(Kidapawan City/ September 17, 2013) ---Naglabas na ng P5.7M na supplemental budget ang SP Kidapawan makaraang maaprubahan ang nasabingbudget sa nakalipas na session ng Sanngunbian.

Ang pagpapalabas ng budget kasunod ng napabalitang puputulan ng kuryente ang City hall, mga streetlights at iba pang gusali na pagmamay-ari ng Kidapawan City local government.

kriminalidad sa Kidapawan City, bumaba -PNP

(Kidapawan City/ September 16, 2013) ---Inihayag ng Kidapawan City PNP na bumaba ang 35 porsyento ang bilang ng mga krimen na naitala sa Kidapawan City, simula buwan ng Hulyo.

Ito ay batay sa data na ipinirisinta ni city police director, Supt. Leo Ajero, sa City Peace and Order Council o CPOC meeting nitong Huwebes. 

Chainsaw operator, patay sa pamamaril sa Kabacan, Ncot

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2013) ---Patay ang isang 35-anyos na chainsaw operator makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang suspek sa Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr., may asawa at residente ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City.

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga otoridad sa isang barangay sa Kabacan; mga sugatang suspek patuloy na tinutugis ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2013) ---Tinangay ng riding in tandem na mga suspek ang motorsiklo na nakaparada sa USM Avenue na nasa harap ng Elcid Video K Bar, Poblacion, Kabacan alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na may ari ng nasabing motorsiklo na si John Alejandro, 21-anyos, residente ng Brgy. Kilagasan ng nasabing bayan.