Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ika-37 Kaarawan ni Mayor Herlo Guzman, Jr., ipinagdiwang

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Suportado ni USM OIC Pres Atty. Christopher Cabilen ang ipinapatupad ng pamahalaang lokal ng Kabacan na One way sa USM avenue, dahil sa naging maluwag na umano ang nasabing pangunahing kalye papasok ng University of Southern Mindanao Main Campus.

Ito ang mensahe ng OIC sa programa hinggil sa kaarawan ni Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon na isinagawa sa Municipal gymnasium.

Matatandaan na kahapon ay nagdiwang si Mayor Guzman ng kanyang ika-37 taong kaarawan na dinaluhan ng mga bisita mula sa USM, mga nasa hanay ng militar, pulisya, mga pastors, mga opisyales ng barangay, SB members kasama si vice Mayor Myra Dulay Bade, mga kawani ng LGU, may bahay ng alkalde at mga pamilya nito.

Birthday Message ng Alkalde

Sa kanyang birthday message, sinabi ng opisyal na patuloy nitong tinututukan ang peace and order ng bayan upang mananatili ang kumpiyansa ng taong bayan sa kanyang liderato partikular na ang mga negosyante.

Aniya kung stable ang peace and order ng bayan, marami umanong mga negosyante ang lalagak ng kanilang puhunan sa bayan.

Bukod dito, inigiit nitong ang kanyang administrasyon ay para sa kapakanan ng nakararami.

Tinukoy niya na kung 1000 ang nagkakagusto sa bagong batas trapiko laban sa 1, papanigan nito ang malaking bilang na nagkakagusto.

Bagama’t marami ring kritiko ang alkalde sa mga bago nitong patakaran, positibo pa rin siya’ng mabibigyan ito ng solusyon.

Guro ng USM at Chief ng Traffic enforcer, nagkasagutan

Nabatid na isang guro ng USM ang nagkasagutan sa hepe ng traffic enforcer at sinabing “ginugulo nyu ang traffic, para kayong si Erap, nanggugulo”, dahil sa ayaw nito ang bagong batas trapiko.

Humihingi naman ng pang-unawa si retired Lt. Col. Antonio Peralta kay Dr. Fabiola Ajelandro ng USM ng magkasagutan ang dalawa hinggil sa oneway sa USM Avenue, ito dahil bilang alagad ng batas ay ginagawa lamang nila ang kautusan ng kinauukulan.

Iginiit pa ni Peralta na dapat ay sundin ng taong bayan ang ipinapatupad na batas hindi lamang ng mga ordinaryong tao bagkus maging ng mga edukado.

Samantala, dinagsa rin ng maraming bisita at mga tagasuporta ang birthday selebration ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.,

Ina na dumulog sa LGU, binigyan ng Tulong ni Kabacan Guzman

Samantala, isang 24-anyos na Ginang ang dumulog sa tanggapan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon matapos na hindi tinanggap ng Amas Provincial Hospital ang ipapagamot niyang sanggol.

Ayon sa nanay ng bata na nakilalang si Che2x Mandil, residente ng Ma. Clara, Poblacion ng bayang ito, nagbara umano ang lugaw na pinakain sa limang buwang sanggol dahilan para isugod nila sa ospital si baby Jhon.

Agad namang nagbigay ng tulong pinansiyal si Mayor Guzman at sa tulong ng mga staff sa Mayor’s office at ng MSWD Kabacan ay agad na dinala ang sanggol sa Davao Medical Center para agad na mabigyan ng medikal na atensiyon.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat ang pamilya ng bata sa tulong ng alkalde.

Ang hindi lubos maisip ng ginang ay kung bakit sila tinanggihan ng Amas Hospital imbes na tulungan.

Matatandaan na isang miracle baby din ang binawian ng buhay dahil sa di maayos na pagtrato at pag-alaga din noon ng mga staff ng Amas Provincial Hospital.

Wala pang paliwanag ngayon ang nasabing ospital na sinasabing pag-aari ng gobyerno.

Maybahay at mga hepe ng tanggapan ng LGU, nagbigay ng mensahe sa kaarawan ng alkalde

Maging ang maybahay ng alkalde na si 1st Lady Evangeline Pascua Guzman ay nagpaabot din ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta para maihalal ang opisyal.

Maging ang mga hepe ng bawat opisina ay nagbigay din ng mensahe sa kaarawan ng alkalde, agaw pansin din ang pag-awit ni PCInsp. Jordine Maribojo kay Mayor Guzman.

Kaugnay nito, naging panauhing tagapagsalita naman si Atty. Voltaire Acosta na siya’ng nagdala ng mensahe ng Panginoon sa nasabing programa at binigyan diin nito ang salita ng Panginoong buhat sa aklat ni Heremias at sinasabing ang pagsunod sa Diyos at may katapat na pagpapala.

Nakasaad sa nasabing aklat ang Pangako ng Panginoon na: Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

Matapos ang mensahe ni Atty. Acosta ay kanyang idinalangin ang alkalde. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento