Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Mga otoridad may lead ng sinusundan sa pamamaslang sa 3 minors na mag-iitik na pinagsasaksak sa loob ng tolda

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung anu ang motibo sa pagpatay sa tatlong mga binatilyo na natagpuang nakahandusay sa loo ng tolda na kanilang pahingaan sa sakahan ng barangay Aringay, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang tatlong mga biktima sa kanilang mga alyas na sina: Owen, 14; Butchoy, 12 at Jony 20 at tubong Barangay Liliongan, Carmen, North Cotabato.


Nakitang bumulagta at duguan ang mga biktima ng mga residente ng nasabing barangay kahapon at posibleng kamakalawa ng gabi o kahapon ng madaling araw pinaslang ang tatlo.

Sinabi ng opisyal na ang tatlo ay katiwala ni Kidlat Mangindre Samadalan, nasa tamang edad at residente ng Barangay Bannawag ng bayang ito sa pagpapastol ng kanyang mga itik.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador maliban sa pinagsasaksak ang mga biktima ay nagtamo din ng ilang pasa na posibleng pinaghahampas ng matigas na kahoy ng mga suspek ang biktima hanggang sa mapatay.

Ayon sa report, posibleng pinagtitripan umano ang tatlo ng mga illegal drug adik at hiningan ng itik para pulutan pero tumanggi umanong magbigay ang mga bata kaya pinaslang ang mga ito, ayon kay PCInsp. Maribojo.Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento